Season III - Revelations | Chapter 31: Memory

434 9 2
                                    

October 18, 2013

8:40 AM

Matapos ang 1 hour and 40 minutes na byahe mula Manila ay matiwasay na nakalapag ang Cebu Pacific Air sa Davao International Airport.

Matapos asikasuhin ang mga maiiwang gawain sa kanyang shop, napagpasyahan na ni Xerun na dalawin ang kanyang bagong pamilya.

Naisipan niyang dumaan muna sa SM Davao para mamili ng mga prutas at pagkaing ipapasalubong sa kanyang ama. 

Namili na rin siya ng mga regalong ibibigay sa kanyang tatlong nakakabatang kapatid. Sa tulong ni Ryza ay nakapili siya ng mga simple at magagandang kwintas para sa kina Myrtle Gail - 16yrs old, Kassandra Gianna -13yrs old  at Xavier Claude -8yrs.old.

" Sana magustuhan nila ang mga dala ko'ng pasalubong 'no." 

Napangiti si Ryza dahil sa sinabi ni Xerun. Ngayon lang niya nakitang ganito kasaya ang kanyang alaga. Nararamdaman din niya ang pananabik ni Xerun na makita ang kanyang mga kapatid.

" Ano ka ba, kahit di ka magdala ng pasalubong, ang importante ay makikita mo na sila. " paliwanag niya.

" Pero syempre mas maganda na kung may maibibigay ako sa kanila..."

" Okay. Napakabait mo talaga..."

Twelve years old lang si Xerun nang magkita sila uli ng kanyang tunay na ama. Sa araw din yun, nalaman niyang mayroon siyang mga kapatid sa ama. Hindi naman siya nakaramdam ng galit o inis sa kanilang tatlo, dahil naiintindihan niyang wala silang kasalanan. Hindi nila kasalanan ang kasalanan ng kanilang mga magulang. Kaya mula noon ay sinubaybayan na niya ang kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng mga social networking sites, kung saan una niyang nakilala si Myrtle. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Palabas na sana sila ng mall, nang bigla pigilan ni Ryza si Xerun na lumabas.

" Bakit? Ano'ng nangyayari??? " naguguluhang tanong nito sa kanya.

" Basta, makinig ka sa'kin. Manatili ka lang rito..." giit ni Ryza.

" Okay. "

Napilitan na lang siyang manatili sa kanyang kinatatayuan. Si Ryza naman ay binalot na rin ng katahimikan, pero bakas na bakas sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala.

Hindi na siya nag-usisa pa nang makita niyang nagkakagulo na ang mga tao sa labas ng mall. Naglabasan rin ang iba pang tao para mag-usyoso sa nangyayari.

 Sa gilid ng kalsada, sa tapat ng isang bakery...

 Isang matandang babae ang kasalukuyang hostage ng isang payat na lalaki.

" Sige lumapit kayo! " sigaw ng lalaki sa mga pulis.  

Hindi naman nakagalaw ang mga pulis dahil mas lalo pang idiniin ng lalaki ang kutsilyong hawak niya sa leeg ng kaawa-awang matanda.

" Marco, maawa ka naman sa'kin..." pagmamakaawa pa ng matanda sa kanya.

" Tumigil ka ngang demonyo ka! " galit na sigaw ni Marco sa kanya, " Dahil sa'yo namatay ang anak ko. Pinatay mo siya, demonyo ka! " nanggagalaiting sumbat pa niya.

Ayon sa mga bulungan ng mga taong nakasaksi sa hostage taking. Hindi daw pinautang ni Aling Cora si Marco, kaya di niya naipagamot ang kanyang anak, kaya ito namatay sa dengue. Mas lalo pang nagalit si Marco nang malaman niyang pinalayas na sila sa bahay ng matanda. Halos tatlong buwan na rin kasi silang di nakakabayad ng upa.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now