Season II - Chances | Chapter 15: Yra

644 10 7
                                    

" Dok, kamusta na po siya? " usisa ni Ryniel sa doktor na tumingin sa babaeng muntik na nilang mabangga.

" Okay naman siya, nagamot na namin yung mga konting gasgas sa katawan niya. "

" Salamat po. Buti naman di siya ganong nasaktan, eh yung baby po? "

" Wag ka ng mag-alala, ligtas ang baby sa sinapupunan niya. " 

Nakahinga ng maluwag si Ryniel, dahil sa sinabi ng doktor. Di naman niya gustong takbuhan ang nangyari, pero kailangan na nilang pumunta sa hospital kung nasaan si Yra. 

Bago sila umalis ay kinausap muna niya ang lalaking kasama ng biktima.

" Pre, pasensya na ha, pero kailangan na naming umalis eh, kasi nasa hospital din yung kapatid namin..." paliwanag niya rito.

" Ganun ba, sige okay lang, ligtas na naman yung kaibigan ko eh..." mahinahong sagot nito sa kanya, " Pasensya na rin kayo ha, mukhang naabala pa namin kayo. "

" Wala yun, ano ka ba. " Kumuha pa siya ng 5,000 sa kanyang wallet. Pero nang iabot na niya ito ay umiling lang ang lalaki bilang pagtanggi sa pera. " O, sige pag may kailangan pa kayo, o kahit anong maitutulong ko, tawagan nyo ko ha..." 

Tinanggap naman nito ang calling card na binigay niya.

" Maraming salamat uli sa pagtulong mo sa kanya. "

Isang ngiti naman ang naging tugon niya sa lalaki.

Malayo na siya pero sinusundan pa rin siya ng tingin ng lalaking ito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang makarating sila Ryniel at Ybrahim sa St. Patrick's Hospital Medical Center ay katatapos lang ng ikalawang operasyon ni Yra.

" Ligtas na po ang kapatid nyo, pero sa kasamaang-palad ay nabulag siya dahil sa mga piraso ng bubog na tumalsik sa kanyang mga mata.." Nakakalungkot na balita sa kanila ng doktor na nakausap nila.

Ilang taon ding di nag-kita at nag-usap ang mag-amang Michael at Ryniel. Kaya naman, nakaramdam ng pagkailang si Ryniel nang makita ang kanyang ama sa loob ng kwarto ni Yra.

" Pa, pano po 'to nangyari kay Yra? " usisa ni Ybrahim sa amang naka-upo sa tabi ng kama ng kanyang kapatid. Siya na ang kumausap sa kanilang ama, dahil sa pakiusap ng kanyang kuya.

" Base sa kwento ng kaibigan niyang si Kyle, pauwi na daw sila galing sa kanilang field trip nang bigla silang mabangga ng isang truck. Nabasag ang salamin sa likod ng kotse. Dun nakaupo si Yra, kaya sa kanya tumalsik ang mga basag na salamin..." pagkukwento nito sa kanila.

" Eh, nahuli na po ba yung drayber ng truck? "  tanong pa ni Ybrahim, matapos senyasan ng kanyang Kuya Ryniel. 

" Hindi pa nga, pero tinutugis na siya ng mga pulis. "

" Sana po mahuli na siya, para mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Yra. " giit ni Ybrahim.

" Sana nga anak..."

Napansin din pala ni Michael ang pagkailang ng kanyang anak. Ganoon din naman ang nararamdaman niya ngayon, pero kailangang tapusin na nila ang matagal na di pagkakaunawaan.

" Him, pwede bang iwan mo muna kami ng Kuya mo..." pakiusap niya kay Ybrahim na agad naman nitong sinunod.

Nagulat si Ryniel sa sinabi ng kanyang ama, pero handa na rin naman siyang harapan ito.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now