Season II - Chances | Chapter 24: First Official Pinoy Wattpad Meetup...

504 7 15
                                    

 Author's Note:

SPECIAL CHAPTER po ito para sa mga masugid kong mambabasa...

Sana patuloy nyong suportahan ang kwentong ito,

kahit pa matagal ang UPDATES :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alexa's POV

Napakaraming text messages at missed calls ang nakita ko sa cellphone ko nang magising ako, syempre lahat ng ito ay galing kay Ybrahim...

Nakatulugan ko pala ang pag-iyak dahil sa sobrang sama ng loob sa ginawa niya kahapon. 

Magdamag daw siyang naghintay sa labas ng kwarto ko, pero di ko siya nilabas.

Alam kong nagkamali rin ako, dahil di ko sinabi agad sa kanya na di ako marunong lumangoy. Kung alam na niya yun, sigurado akong di na niya ako pipilitin pa. 

Sa totoo lang, simula pagkabata ay di ko sinubukang lumangoy. O kahit lumusong man lang sa dagat o kahit anong malawak na bahagi ng tubig. Nagkaroon kasi ako ng aquaphobia nang malunod ako noong 8 years old palang ako. Papunta kami noon sa isang isla lulan ng isang de motor na bangka. Tuwang-tuwa akong dumungaw sa mga isdang nakikita kong lumalangoy sa tubig. Sinubukan kong hawakan ang ang mga isda kaya bigla na lang akong nahulog. Mabuti na lang agad na tumalon si Papa para iligtas ako.

Hindi ko sinabi kay Ybrahim ang pagkakaroon ko ng aquaphobia dahil nahihiya ako sa kanya. Balak ko rin naman sabihin ito sa kanya, kapag dumating ang pagkakataong muli akong kakalabanin ang takot na ito. Pero dumating nga ang pagkakataong ito kahapon, pero dinaig pa rin ako ng takot.

" Alexa...pwede ba 'kong pumasok? "

Nahinto ako sa pag-aayos ng aking kama nang biglang sumilip si Ate Princess sa pinto ng kwarto ko. Agad ko naman siyang pinapasok at naupo siya sa tabi ko.

" Ate bakit po? " usisa ko sa kanya.

" Sana wag mong isiping nakikialam kami sa relasyon nyo ni Ybrahim ha, pero sana mapatawad mo na siya..." pakiusap niya sa'kin.

Tiningnan ko muna siya sa mga mata bago ako sumagot. " Di ko naman po iisipin yun..." sagot ko. " Alam ko rin po kasing nagkamali ako, kaya napatawad ko na siya..." paliwanag ko pa.

" Mabuti naman kung ganun. " Nakangiting sagot niya sa'kin. " Pa'no tara na? " Bigla niyang yaya.

" 'Te san tayo pupunta? "

Takang-taka ako sa mga sinabi niya, pero di na niya ako sinagot pa. Agad niya akong inakay palabas ng kwarto ko. 

Pero saan nga kaya kami pupunta? 

Ilang hakbang pa lang mula sa kwarto ko ay bigla niya akong nilagyan ng blindfold. 

" Trust me Alexa, magiging happiest day mo 'to..." bulong pa niya sa'kin. 

Happiest Day?

October 03, 2013 ngayong araw...

Isang buwan na rin pala ang nakakaraan,

nang maging Officially In a Relationship na ang status ng puso ko...

September 03, 2013 

01:09 PM 

Goldilocks - SM Mall of Asia

Ito ang eksaktong date, time at location kung saan ako "sinagot " ni Ybrahim...

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now