Season IV - Darkness | Chapter 46 - Itim na Balahibo?

316 4 1
                                    

Author's Note:

LAST [6] CHAPTERS na lang bago ang katapusan...

ABANGAN ang mga susunod na magaganap sa buhay ng ating mga bida...

Maraming salamat sa patuloy na suporta!

Pasensya na maikli lang yung update...

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagulat ako nang bigla na lang tumalon ang babaeng nakita ko. Mabuti na lang naabutan ko pa siya at nahawakan ko ang kanyang kanang kamay. Hindi ko alam kung ano ang matinding dahilan niya para magpakamatay. Pero ang mahalaga ang mailigtas ko siya, kaya ibinuhos ko na ang buo kong lakas para maiangat siya pabalik sa aking kinatatayuan. 

Pero bigla na lang akong nabuwal. May kung anong pwersang tumulak sa likod ko, kaya pareho na kaming nahulog. Magkahawak-kamay pa nga kami habang unti-unting bumababa ang aming mga katawan.

 

" Salamat. "

Ngumit pa siya habang nakatitig sa'kin.

 

Hindi naman ako nakasagot pa dahil nakita ko ang pagliliwanag ng kanyang suot na kwintas. Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin. Lalo na nang hubarin niya ang kanyang kwintas at isuot sa leeg ko.

 

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya. Parang matagal ko na siyang kilala. Nagkahiwalay kami at muling nagkita. Parang sabik na sabik na rin akong yakapin siya.

 

Naramdaman ko na ring pareho na kaming lumulutang sa ere. Dahan-dahan kaming bumababa sa lupa...

 

Pero bago pa kami tuluyang makaapak dito ay may itim na usok ang bumalot sa kanyang katawan. Hinatak siya nito palayo sa'kin. Hinabol ko siya at tinangkang bawiin pero di ko nagawa. Bumulusok na lang ako at bumagsak sa lupa.

 

Sinubukan kong bumangon pero di ko magawa dahil sa sobrang sakit ng likod ko. Napilayan yata ako. 

 

Pero ang nakakapagtaka, isang bagay ang nakapa ko sa likod, kasama ng aking dugo.

 

" Itim na balahibo??? "

 

Luminga pa ako sa paligid, kaya nanlaki ang mata ko nang makitang napakaraming itim na balahibong nakapaligid sa'kin ngayon. 

 

" Sa'n naman kaya galing ang mga 'to? "

Sinubukan kong tumayo, pero bumagsak pa rin ako dahil sa pagkirot ng mga sugat ko. 

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang napakalaki ng mga sugat sa likod ko.

Tapos ay bigla na lang nagliwanag ang buong paligid.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now