Season I - Only Hope | Chapter 7 - Soulmate

796 10 8
                                    

" San nyo ba 'ko dadalhin?! " sigaw ng lalaki sa mga taong kumidnap sa kanya. " Kung gusto nyo ang kotse't pera ko, sa inyo na, wag nyo lang ako sasaktan. " pakiusap pa niya sa mga ito.

Nakatali na ngayon ang kanyang mga kamay. Nakapiring na rin ang kanyang mga mata. Pero base sa mga boses na naririnig niya, tatlong lalaki ang dumukot sa kanya.

" Wala kaming pakialam sa mga yun. " natatawang sagot sa kanya ng isang lalaki.

 

" Mas marami kaming makukuhang pera kung madadala ka na namin kay Boss."  dagdag naman ng lalaking nasa likuran niya.

" Manahimik ka na lang, kung ayaw mong masaktan. " pananakot naman sa kanya nung matabang lalaking nagtutok sa kanya ng baril kanina. " At kayong dalawa, tumigil nga kayo kung ayaw nyong sumabog yang mga bibig nyo. " pagbabanta naman nito sa kanyang mga kasama.

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng matabang lalaki. Pero ihinanda niya ang kanyang sarili sa anumang pwedeng mangyari. Kung sakali mang tangkain siyang patayin ng mga ito, wala na siyang magagawa kundi lumaban.

Diyos ko, iligtas nyo po ako...


Matapos ang halos isang oras ay huminto na rin ang kanyang kotse. Agad siyang hinila palabas ng isang lalaki. Naging sunud-sunuran naman siya rito, hanggang sa ipinasok siya sa loob ng isang kwarto. Narinig pa nga niya ang malakas na kalabog ng pagsara ng pinto. Dito ay muli siyang itinali habang nakaupo sa isang upuan. Pagkatapos ay magkasunod na lumabas ang dalawang lalaking nagdala sa kanya roon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi na umuwi si Princess sa bahay ni Sairi. Dumiretso na siya sa kanilang bahay para kumpirmahin ang kanyang hinala. 

" Mr. Bean, nasan si Daddy? " tanong niya agad sa matandang mayordomo na una niyang nakita pagpasok sa loob ng kanilang bahay. 

" Wala po dito sa bahay ang Daddy nyo Miss Princess. " sagot naman sa kanya nito. 

" I don't believe you. " giit niya, " Daddy! Daddy! Harapin nyo ko! " sunod-sunod niyang sigaw habang umaakyat sa kanilang hagdan.

Pinuntahan niya ang kwarto nito pero wala talaga ito roon. Kaya naisip niyang pumunta na lang sa kanyang kwarto para kunin ang kanyang cellphone.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now