[ 1 ] Ang Pagtataksil

23.8K 502 11
                                    

Rhian Howell's Pov

As i walk slowly back to my room, may narinig akong mga boses sa kwarto kalapit ng sa akin, tila naagaw nito ang aking pansin sapagkat sa aking pag kakaalam ay wala pa si Jason dahil nagpaalam itong manunuod ng fire dancing malapit sa beach. 6:45 pm I think wala pa naman sya. Ngunit tila may bumabagabag sa aking kalooban kung kayat nagpatuloy ako sa aking nais malaman. My hand is shaking as i slowly open the door and from there tila parang gumuho ang mundo ko pati pag kilos sa aking kinatatayuan ay nakalimutan ko na, maging ang pagtulo ng mga luha sa aking mata ay hindi ko na rin napansin. Dalwang mahahalagang tao sa buhay ko ang ngayo'y nagpapakasasa at tila mo'y nagpifiesta sa kanilang mga hubad na katawan. My Fiance and my Step sister!.

"Hon!?" Gulat ang rumehistro sa mukha ng lalaki habang nakatingin ito sa gawi ni Rhian.

"Hi there sis!" Sabay lingon naman ng babaeng naka ngisi sa kanya.

Kaagad akong lumabas at pumunta sa aking kwarto. Mga Taksil! Sigaw ko sa aking isipan. Ang gusto ko lang ay makaalis mismo sa lugar na ito. Sa islang ito. At magpakalayo layo.

Hidi na nagawang mag impake ni Rhian, sa halip ay isang hand bag na ang laman lang ay pera, susi ng kotse at ang kanyang salamin sa mata at sa mga oras na ito ay hindi matigil sa pag katok sa pintuan ng kwarto nya ang kanyang nobyo. Isa. Dalwa. Tatlo hanggang sampung malalakas na katok, hindi pa rin ito tumitigil. Kung kaya't bumuntong hininga muna sya bago pihitin ang seradura ng pintuan.

"Thank God! Pinagbuksan mo rin ako Hon" sabay yakap ng lalaki kay Rhian. Ngunit nanatili lang na nakatayo ang babae. "Hon let me explain." Pag mamakaawa ng lalaki.

"Explain? Anong dapat mong ipaliwanag?na naglalaro lang kayo? Na nagkukwentuhan kayo habang naglalampungan?"umiiyak na sabi ni Rhian habang ang kapatid nya ay nakikinig sa katapat na pintuan. Pasalamat sila at walang nakakarinig ng usapan nila sa hallway ng hotel na tinutuluyan nila. " bakit mo ginawa sakin to? At sariling kapatid ko pa" napatingin sya sa kapatid ngunit isang mapang asar na ngiti ang binigay sa kanya. "Matagal na ba?" Bulong na tanong ni Rhian.

"Hon please... i'm sorry...."

"I said Matagal nyo na ba akong niloloko?!" Galit na galit na si Rhian ngunit hindi magawang mag salita ng lalaki.

"If we say yes .. makokontento ka na?" Si Carmy ang sumagot, lumapit ito sa dalawa at yumakap pa kay Jason. "Hirap sayo hindi ka marunong mag matyag sa paligid mo. Sa sobrang tiwala mo ikaw tuloy ang naiisahan."

Nagmamadaling umalis si Rhian sa harap ng dalawa at kaagad na sumakay sa kotse.

"Wag mo ng sundan ang babaeng yun. Ayaw mo ba non hindi ka na matatali sa isang weird na babae? At isa pa hindi ka ba masaya na mapupunta na sakin ang buong Howell's luxury Hotel?" Masayang sabi ni Carmy.

"Shut up! She's still my fiancee." Tumakbo si Jason para sundan si Rhian at wala ng nagawa si Carmy kundi ang bumuntot pa rin kay Jason.

Sa kasagsagan ng byahe at mabibilis na takbo ng mga sasakyan. Nagawa pa ring abutan ni Jason ang sinasakyan ni Rhian. Batid nyang walang humpay sa pag iyak ang babae dahil panay ang busina ng mga sasakyan na makakasalubong,dahilan para itoy malihis paminsan minsan sa tamang linya. Dahil sa masamang ugali ni Carmy, kinabig nya ang kamay ni Jason na nakahawak sa manibela dahilan para mapatama ito sa sasakyan ni rhian na sa bilis ng pangyayare ay napasalpok sa poste.

"Carmy! What have you done!?"napahilamos sa mukha si Jason . Nangingilig ang kamay at kaagad na tumakbo papunta kay Rhian.

"Rhian! Rhian! Hon wake up!" Duguan ang dalaga na tila hindi na humihinga.

"Jason let's go.. may paparating na mga tao" hila sa kanya ni Carmy.

"No! I will not leave her!". Umiiyak na sabi ni Jason.

"Gusto mo bang makulong?let's go wala na tayo magagawa" sa sobrang pag pipilit ni Carmy sumunod na rin si Jason.

Madilim ang paligid at kokonti na ang dumadaang sasakyan. Mabilis na nakaalis ang dalwa sa pinangyarihan.

"George can you pull over? I think there's an accident there and nobody passess by. "

"Yes Milady" bumaba ang driver maging ang amo nito. Kaagad nilang nakita ang isang babae na duguan. Tiningnan naman ng babae kung ito ay humihinga pa at sa kabutihan palad buhay pa ito.

"Milady let's take her to the hospital"

"No. Malayo pa ang hospital dito. Let's take her to my villa." Seryosong sabi ng babae.

"But.."

"You forgot meron tayong kasamang Duktor . Call Trixie. Let's see kung gaano sya kabihasa sa propesyong kanyang natapos"

"Yes Milady"

Dahan dahang inalis ng babae si Rhian sa pagkaka upo sa kotse at walang kahirap hirap na nabuhat nya ito, dahan dahan nyang inihiga sa back seat ng kotse at umalis na rin sila pabalik ng villa.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now