[ 3 ] Pakiusap

11.2K 400 18
                                    

Pangalawang araw na ni Rhian sa Villa ni Althea, hindi pa man nya alam kung anong pangalan ng babae ay kaagad na syang kinabahan, kinabahan sa kaisipang may nalalaman na ang sopistikadang babae tungkol sa buhay nya. Hindi man lubos na kilala ngunit sapat na iyong naalaman nito ang buong pangalan nya bagay na ikina kaba ng kanyang dibdib. Dahil kung sakaling ma kumpirma nga nito na sya ang tagapag mana ng kilalang Hotel baka ibalik sya nito sa kanyang pamilya,bagay na pinakaaayaw na ng dalaga. Kung noon ay ayaw nyang mawaglit sa paningin o sa tabi ng kanyang pamilya tila ngayon ay nabaliktad na, ayaw na nyang magpakita sa mga ito.

Rhian Howell's Pov

Ano ng gagawin ko? She knows me! She knows me!. Hindi ko na sya nakausap mula nung iwan nya ko noong gabi pero batay sa sinabi nya o pag banggit nya sa pangalan ko , parang may nalaman sya. Ayokong isipin na baka any minute ibalik na nya ako sa pamilya ko. I dont want that to happen. Isipin ko palang na pagbalik ko don ay pag babantaan nanaman nila ang buhay ko i can't take that! And worst ayoko mang isipin pero baka kasabwat din nila si Mama Amanda. Ano ng gagawin ko?.

Naluluhang sabi ni Rhian habang nakatingin sa  kisame . Hindi nya magawang lumabas dahil ayaw nyang makita ang babae.

Knock...knock..

Biglang kinabahan si rhian dahil baka puntahan syang muli ng babae. Kung kaya't tumayo sya malapit sa pinto.

"S-sino yan?"

"Si Nanay Lora ito" kaagad namang pinag buksan ni Rhian ang matanda.

"Nay kayo po pala..bakit po?"

"Pupunta ako sa palengke sa bayan. Hindi ka na namin naantay mag almusal dahil naisip naming baka nagpapahinga ka pa. May pagkain naman sa mesa kumain ka nalang."

"Salamat po Nay.. uhm si doc. Trixie po?"

"Wala pa iha. Baka gabi pa yun makabalik dito"

"Eh si ano po nasan?"

"Sino iha? Si George?"

"Hindi po..yung isa pong duktor" napaisip naman ang matanda at tila naguluhan sa sinabi ni Rhian .

"Ah si senyorita. Nasa labas pa yun. Mamaya pa siguro ang balik. Althea ang pangalan nya" nakangiting sabi ni Nanay Lora. Tila minememeroya naman ni Rhian ang magandang pangalan ng babae. Naisip nyang bagay sa magandang mukha nito ang pangalan.

"Sige po nay. Mag ingat po kayo" umalis na ang matanda ngunit bumalik muli si Rhian sa kwarto at nag ayos ng sarili. Pero hindi pa rin nya magawang lumabas kahit na wala naman doon ang babaeng iniiwasan nya.. mas ginusto nyang mahiga muna sa kama at mag isip ng pwede gawin para hindi makabalik sa kanila. Ngunit wala pang limang minuto ay kumakalam na ang kanyang sikmura.

"Gutom na ko" lumabas na sya ng kwarto at dahan dahang pumunta sa kusina. Daig pa nito ang magnanakaw na ayaw gumawa ng ingay para hindi mahuli ng sino mang tao.

Hindi maikakailang malakas syang kumain. Daig pa nito ang lalaki sa dami ng rice at ulam nya. Healthy foods naman ang kinakain nya pero makikita mo talagang marami sya kung kumain. Sya yung tipo na kahit anong kain mo eh hindi tumataba.

"Bakit late ka ng kumain?!"

"Ay katawang maganda!" Gulat na sabi ni Rhian ng mapatingin sya sa babaeng nasa harap nya na halatang kagagaling lang sa pag jojogging . Naka sports bra ito habang naka cycling shorts at ngayo'y umiinom ng tubig habang seryosong nakatingin sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang nag aalmusal? Hindi ba't meron ka pang iniinom na gamot? Bawal sayo ang nalilipasan!" Seryosong sabi nito.

"Kaya nga kumakain na ko di ba?" Mataray na sabi nito. Nakipag sukatan naman ng tingin si Althea sa kanya pero sa huli ay ito rin ang nag iwas ng tingin.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon