[ 36 ] Taken

4.6K 227 20
                                    

Althea Guevarra's Pov

Finally after almost seems like eternity makakauwi na rin ako sa bahay kung saan nag iintay ang asawa ko. I need to tell her na kaya hindi ako nakatawag or text sa kaniya ay dahil sa nawala ang phone ko, at hindi rin naman ako nakauwi dahil nagkabutas yung gulong ng kotse. Kaya no choice. Sa private unit ni Jade ako nagpalipas ng oras at si George ay umakupa ng isang room. Kung kagabi ay kamalasan ang naabot ko, ngayon naman ay hindi dahil walang traffic.  Kaya mabilis akong nakarating sa mansion.

As i enter the front door. Masaya akong sumisipol dahil alam kong namiss ako ni Jade at ganun din ako sa kaniya.

"Senyorita Althea? Bakit nandito kayo?" Tanong ng kasambahay namin.

"Last time i check i live here?" Turo ko sa sarili ko, patanong tanong kase ng ganun.

"H-hindi po, ang ibig ko po sabihin ay. Bakit ang bilis niyo makabalik. Hindi niyo po kasama si  senyorita Jade?" Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Si Jade? Pano ko naging kasama si Jade? Galing akong San Martin. Ngayon lang kami ni George bumalik" magkasalubong na kilay na sabi ko. Panandaliang lumayo ang kasambahay namin at may kinuha ito.

"Eto po yung bulaklak na bigay nyo sa kaniya oh. May letter pa" kinabahan ako sa sinabi ng katulong.

"Hindi ako ang nagbigay niyan! My wife is in danger!" Galit kong sabi. Nasan si Jade? Sinong nagpapunta sa kaniya doon.? Hindi ako mapalagay kung nasan ang asawa ko.

"Sino kaya ang kumuha sa kaniya?" Nag-aalalang tanong ni nanay lora.

"I know who kidnap Jade" napalingon kami kay Cathleen, kasama niya ngayon si Batchi na humahangos din.

"Tsong.! Buti naabutan ka namin" sabi ni Batchi.

"I'm trying to contact you Althea pero hindi mo sinasagot. After ko mag check in sa Rendezvous Hotel nakita ko si Jayson may kasamang babae pero hindi ko masyado mamukhaan dahil parang wala itong malay, inaalalayan lang siya ng mga tauhan niya. Then later on, narealize kong si Jade yung kasama niya. Hanggang sa nasundan ko yung lugar kung san sila nagtungo. Isang hotel din." Salaysay ni Cathleen sakin.

"I'm gonna break that bastards bone!" Galit na galit kong sabi. Wag niya lang sasaktan ang asawa ko kundi ako mismo ang kikitil sa buhay niya.

Agad kaming sumakay sa kotse ni Cathleen. At binilisan niya ang takbo. Hindi ko pinasama agad si George dahil binigyan ko sya ng instruction. Kailangan ko siya bilang back up.

Jade Guevarra's Pov

Pakiramdam ko nasa isang paraiso ako, kasama ang asawa ko at ang anak namin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanila. Masaya kami dahil bukod sa buo ang pamilya ko, mahal din namin ang isa't isa. Naisip ko rin ang mga araw kung kailan at paano kami nagkakilala ni Althea. Pero pag mulat ko, isa lang pala itong panaginip.

"Where am i?" Bulong ko habang iginagala ang aking paningin.

"Mukhang masaya ang panaginip mo ah, dahil ba sa asawa mo?" Agad akong napatingin sa lalaking nakaupo sa couch sa katapat ng hinihigaan ko, nakatali pareho ang aking mga kamay.

"Jayson anong ibig sabihin nito? Pakawalan mo ko!?" Sigaw ko sa kaniya.

"Why would i do that?" Tanong niya habang nakaupo parin hawak ang kaniyang telepono.

"Release me this instant! Pag babayaran mo itong ginawa mo Jayson. Anyminute now nasa mansion na ang asawa ko at malalaman niyang kinidnap mo ko!" I shout at the top of my lungs.

" yun ay kung maaabutan pa niya tayo?" Nakangisi niyang tanong habang abala sa pag aayos ng gamit. I hope na malaman ni Althea na wala ako. Please lab.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now