[ 10 ] On This Day

9K 316 12
                                    

Apat na araw na ang nagdaan ng sila ay mamasyal sa amusement park, pamuhat noon ay naging abala na si Althea sa trabaho nya, nagawa na rin nitong puntahan si Alvarez sa kanyang piitan at sa galit na kumawala sa kanya ay nagawa nya itong sampalin dahil sa pagtatangka nito sa kanya at kay Jade. Dalawang araw na ring hindi umuuwi si Althea sa mansion kaya labis ang pag aalala ni Jade sa kanya. Hindi naman nya pwedeng tanungin si Althea kung anong ginagawa nya at hindi sya magawang makauwi kahit saglit lang, nangungulila sya sa presensya ng babae.

"Jade di ka ba nag aalala dahil 2 days ng hindi umuuwi ang fiancee mo" si Wila.

"Wag mo pansinin yan si Wila, praning lang yan" si Bianca. Narito sila ngayon sa mansion nila Althea,alas singco na ng hapon at nanunuod lang sila ng TV show.

"Haller..two days na tapos wala pang paramdam kumusta naman yun?" Rolled eye ni Wila.

"Girls relax, sabi nya busy lang sya sa work" si Jade.

"Eh anong work yun?" Pang aasar ni Wila, napa kibit balikat naman si Jade.

"Ah basta bukas invited ko kayo sa Foundation Day at the same time Family Day ng school namin ha" si Bianca na abala sa pagkain ng chips nya.

"Marami bang boylet dun?" Masayang tanong ni Wila.

"Wila ang kalandian tigil tigilan" saway ni Bianca.

"Tanong lang eh, masama ba yun?" Nakapout na sabi ni Wila.

"Tumatawag si Althea." Sabay sabay silang tumingin sa hawak na phone ni Jade. Si Bianca ang kumuha at niloud speaker.

"Hello?" Si Jade.

"Jade, i'm sorry ngayon lang ako nakatawag. How are you?" Mababakas sa boses nito ang dala ng pagod.

"Althea si Jade! Oh my Gosh!" Exagerated na sabi ni Wila. Habang nagpipigil ng tawa.

"Hello? Wila?? What happened? Jade?!" Kabadong sabi ni Althea.

"Althea umuwi kana ngayon din dali" nag boses malungkot naman  si Bianca habang natatawa rin. Napapa iling nalang si Jade sa kabaliwan ng dalawa.

"I'll go there!" Sabay end botton ni Althea.

"Grabe kayo kay Althea, baka sa pagmamadali nya kung ano mangyari dun ha. Lagot kayo" pangungonsensya ni Jade sa dalawa.

"Hindi yun, masamang damo yung isang yun eh.. di nya hahayaang mabyuda ka kagad" biro ni Wila, siniko naman sya ni Bianca at pinanlakihan ng mata napa peace sign lang naman si Wila.

Jade Howell's Pov

Sa dalawang araw na hindi pag uwi ni Althea dito sa bahay, pakiramdam ko ang lungkot, hindi kumpleto. Ayoko namang itanong kung bakit sya hindi umuuwi baka isipin nya iniinvade ko ang personal life nya. Pero ugh! Kahit text wala..kaya heto naisipan kong tawagan sila Wila at Bianca buti nalang at pwede sila. Ngayon ko kase naisipang igawa ng cookies si Althea pero mukhang hindi nanaman sya darating.

"Jade tara mag bake tayo ng cookies pampalipas oras lang" pag aaya ni Bianca.

"Tara" sagot ko naman at nagtungo na kaming tatlo sa kitchen.

Tinuruan ko sila ng proper mixing ng mga ingredients at kung ilang minutes sa oven. Napuno ng tawanan at kulitan ang aming ginagawa.

"Jade!" Sigaw ni Althea. Kaya naputol ang pag tatawanan namin, kaagad naman akong lumabas para makita sya.

"Jade!"

"I'm here" sagot ko naman sa kanya habang nagpupunas ng kamay gamit ang towel, bigla naman nya ako niyakap ng mahigpit at mababakas ang pag aalala sa kanyang magandang mukha medyo hinihingal pa sya.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now