[ 19 ] Panauhin

6.4K 281 12
                                    

Jade Guevarra's Pov

Ang sarap gumising kung isang magandang nilalang ang bubungad sayo, i look at her face, she's sleeping like a baby. So cute and innocent! I trace her pointed nose, gosh! Gusto ko syang pang gigilan..pero syempre dampi lang ginawa ko kahit gusto ko na kurutin.. napapaisip tuloy ako kung anong kabutihan ang nagawa ko para ibigay nyo sakin ang nilalang na katabi ko ngayon.

"Ang swerte ng taong mamahalin mo" i whispered as i trace again her nose, but i'm surprise when she kiss me at my lips. After the kiss, nanatili parin syang nakapikit pero nakangiti.

"K-kanina ka pa gising?" Saka lang sya nagmulat pagkatanong ko.

"Nope..ngayon lang.." she snuggled her face at my neck and hug me tighter.

"L-lab, i'll make us breakfast, baka malate ka" bulong ko sa kanya..ramdam ko ang kanyang paghinga sa may leeg ko na nagdudulot ng kiliti sakin.

"Hmm, later nalang love, let's sleep again."

"Pero lab lab, pupunta pa ko sa lola mo" humiwalay naman sya sakin at dinampi ang aking pisngi.

"Uhh oo nga pala, muntik ko na makalimutan..tara, let's prepare our breakfast" nauna syang tumayo at inilahad nya ang kanyang palad para tulungan rin akong makatayo, pareho kaming pumasok ng banyo to brush our teeth.

Dumiretso na kami sa kusina pero naabutan naming nag hahanda na sila nanay Lora ng kakainan at ang ilan sa mga niluto nila.

"Good Morning sa inyong dalawa" bati samin ni Nanay Lora, si Althea naman ay tila may hinahanap sa loob ng ref.

"Sorry po hindi ako nakatulong agad" hinging paumanhin ko habang humihikab.

"Okay lang po yun senyorita, alam naman naming mahimbing pa ang tulog nyo" ngiting sabi ni nanay Lora na nakatingin kay Althea, sumulyap naman ako sa kanya na ngayon ay kumakain ng toasted bread habang nakaupo sa kitchen counter. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa kanya while i slip myself between her legs. Sinubuan nya ko ng toasted bread.

"Hindi pa ba gising si Batchi?"tanong ni Althea.

"Althea! Tara na ready na ko pumunta sa hotel--" bigla bigla namang pasok ni Batchi, bihis na bihis na ito at ready na sa pupuntahan nila.

"San punta nyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa Hotel dun sa--"

"Love do you like coffee?"sabay sabat ni Althea.

"Sige lab lab, with milk please" mas prefer ko kase ang milk kesa sa cream, yun lagi ang trip ko.

"I'll put these plate sa dinning area" sabi ko at dala ang plato ng mga lutong bacon. Nahagilap ko naman sa aking side na lumapit sya kay Batchi at binatukan ito.

Magkatabi kami ni Althea sa pwesto at pinaglalagay nya ko ng pagkain sa plate ko, habang si Batchi naman ay kumakain na sa tapat namin.

"Thea nagtext na sakin yung secretary sa Hotel, kinaklaro lang kung makakapunta ka kase busy daw si Miss---"

"Uhm Batchi tell them that we're going"pag putol ni Althea sa sasabihin ni Batchi, nakita ko namang pinanlakihan sya ng mata ni Althea. Ang weird nila today ah!

"Lab lab san punta nyo today?" Tanong ko while sipping my coffee.

"Dun sa new business partner ko, nag email kase sakin at pumayag naman ako to meet them personally." Tumango tango naman ako, ang hirap talaga kapag ang trabaho mo eh business tas ikaw pa yung pinakang head. Minsan nga gusto kong hilingin sa kanya na mag vacation kami kaya lang nakakahiya naman sa kanya.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon