[ 34 ] Changes

5.3K 225 16
                                    

Althea Guevarra's Pov

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na buntis na ang asawa ko, dalwang araw na ang nakakalipas simula ng sabihin niya sakin to. Kaya simula nun. Feeling ko ganado ko minu-minuto. Sino ba naman ang hindi gaganahan sa buhay niya knowing na nagbunga ang pagmamahalan niyo? At binigyan ka pang lalo ng dahilan para magsikap sa buhay para sa inyong pamilya. Pero tama nga ang sabi ng duktor, napaka sensitive ng pagbubuntis ni Jade. Lalo na ang mood swing niya tulad ngayon.

"Lab, magluto ka ng bago, hindi masarap yung luto mo" puna niya sa pinapaluto niyang bulalo. Nandito kami ngayon sa kitchen, kasama rin namin si Zyle at Kate. Tinikman ko ang niluluto ko.

"Masarap naman ah" tikim ko ulit dito. Tumingin ako sa dalawang kasama namin na para bang sinasabi kong tikman nila ang luto ko. Pasimple akong bumulong sa dalawa. Habang pansamantalang umalis si Jade.

"Ate, masarap na to." Sabi ni Kate.

"Oo nga mommy Thea" sang ayon naman ni Zyle.

"Oh lab okay na ba niluluto mo?" Biglang lapit sakin ni Jade.

"Uhm niluluto ko pa, pero malapit na matapos. Upo kana muna jan Love" naupo naman siya sa katabi ni Kate, dala pa rin niya ang ginagawa niyang mittens. Actually naka 2 pair na siya. Ngayon gumagawa naman siya para sa paa ng baby.

"Love here, try this" dahan dahan kong inilapag sa mesa ang bagong lutong bulalo. Pinagmasdan namin si Jade habang tumitikim. Hindi rin makasubo yung dalawang bata dahil iniintay sagot ni Jade.

Masamang tumingin sakin si Jade, na para bang kakainin ako ng buhay.

"Bakit walang laman? Puro buto? At bakit walang lasa?" Napa nganga naman ako sa sinabi niya. What the?.

"Love, bulalo ito, ikaw nag request nito di ba? Dapat sinabi mong sinigang o nilaga para puro laman nilagay ko." Paliwanag ko pero heto siya. Naiiyak nanaman.

"Pinagagalitan mo na ako?" Humihikbi niyang sabi. Ako namang si timang hindi magkanda ugaga sa gagawin.

"Uhm ano..h-hindi love.Ano..nagpapaliwanag--"

"No!" Sigaw ni Jade na ikinagulat naming tatlo. "Pinapagalitan mo ko, ayoko na niyan! Sayo na yang buto-buto mo! Ipag fried mo nalang ako ng chicken!" Naka pout na sabi niya. Pag di ka nga naman nainis oh!.

"Napaka arte, hindi naman ako ganyan magbuntis noon" bulong ko pero narinig ata ni kumander.

"May sinasabi ka? Edi sana ikaw ang nagbuntis. I hate you!" Walk out ni Jade. Oh my God ako nanaman ang kontrabida. Pwede ng awardan ng walk out queen tong asawa ko sa tuwing magtatantrums yan lalayasan ako sa harap.

"Ate suko na ba?" Mapang asar na ngumiti ang kapatid ko.

"Never!" Determinado kong sagot habang kinukuha ang chicken sa ref at niluto na ang gusto ng asawa ko. After i cooked, tinatawag ko siya pero wala.

"Nasa Garden po si Senyorita Jade" sabi ng kasambahay namin. Inayos ko na ang tray ng pagkain niya at ako na ang magdadala sa kaniya. May kausap siya sa telepono.

"Ma, pag usapan nalang natin yan once na magkita tayo. Buo pa rin po ang pasya ko Ma. Sila ang nag udyok sakin para gawin ang bagay na to" desidido niyang sabi sa mama niya.

"Sige ma bye. Love you"

Isa pang ikinababahala ko ay ang plano niya sa kaniyang kapatid at kay Jayson. Nung araw na isuggest ni Jayson na ipagbili ang golfclub marami ng mga businessman ang nagpapadala ng letter pati sa email. About sa pagbili nito. Kaya lalong nagalit si Jade, gusto kong wag na niya ituloy ang plano niya dahil ayokong mapahamak lang siya.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon