[ 33 ] Confirm

7.4K 273 52
                                    

Jade Guevarra's Pov

     After three days of staying in New York bumalik rin kami agad dahil napaka demanding ng mga client ng asawa ko, gusto lagi sya kaharap. If i know crush lang nila si Althea. Hmp! Hindi ko talaga malilimutan ang araw kung kelan kami nag punta ng New York. Sinulat ko pa yun sa calendar ng Fone ko para sa reminder.

    Flashback

"Lablab ano gagawin natin sa New York?" Kinakabahan kong sabi at the same time excited habang nakaupo kami dito sa private plane niya. Hawak hawak niya ang kamay ko and then she kiss the back of my palm.

"Gagawa nga tayo ng baby" nakangiti niyang sabi.

"Ha? Wala pa bang nabuo since day 1 ng isuko ko ang Bataan?" Pabiro kong sabi.

"Sira! If only i can do that, halata na yung baby bump sa tummy mo..pero seryoso, gagawa nga tayong baby" nakangirit na sabi ni Althea.

"Baka ginugood time mo lang ako ha" nakapout na sabi ko, minsan kase mahirap paniwalaan tong isang to eh. Lumapit naman siya sakin and caress my face at pinagdampi ang aming mga noo.

"When it comes to having a baby, i'm so serious. At kung ikaw ang maging ina ng magiging anak ko o natin, dapat seryoso talaga." Then we shared a kiss, full of love.

Hindi ako handa na kakaharapin na pala namin ang doctor niya kapag nakapag landing na sa New York ang eroplanong sinasakyan namin. Since night kami nag travel, nagpahinga muna kami ng ilang oras sa hotel na pinagpareserbahan ni Althea. And before lunch nagtungo na kami sa hospital.

Noon ko lang  nalaman na sila ang nagsagawa ng procedure kay Althea noong si Keisha pa.

"Wow is this yours? Aww their cute" turo ko sa forzen eggcell ni Althea na nakalagay sa tube actually there are 2 kaya tinanong ko and then totoo ngang sa kaniya. Frozen sila at talagang iniingatan ng mga doctor dito.

"The other one is for our second baby" bulong ni Althea sakin while may mask na nakatakip sa bibig niya.

Bago isagawa ang procedure, kinausap muna kami ng mga doctor, si Althea na rin ang humanap ng sperm donor at pinaliwanag na nga ng doctor ang gagawin sakin. Then pumirma ako ng ilang documents na I Jade Howell Guevarra, is the only one who can claim the remaining cell o yung isang nakalagay sa testtube yung para sa 'second baby' namin. And then para may katunayan at hindi mapeke, ginawan pa ko ng id at pumirma rin si Althea for safety purposes daw.

Noong una kabado ako kase first time ko gawin ito, pero hindi umalis si Althea sa tabi ko habang ginagawa ang procedure na ito, daig ko pa ang manganganak dahil nakikita kong pinagpapawisan si Althea sa tabi ko.

"Lab are you okay?" Tanong ko sa kaniya sa aking tabi.

"I'm nervous love" pag amin niya, nangingilig nga ang kaniyang mga kamay.

And after 30 minutes, tapos na ang procedure. Bumalik ulit kami sa office ng doctor at nagiwan ng ilang bilin at riseta.

"Congratulations Mrs&Mrs. Guevarra. So far our procedure is success, all we need is to wait for the signs and  symptoms if your pregnant" Paliwanag ng duktor.

"What are the symptoms if i'm pregnant?" Tanong ko.

"Well, vomiting, mood swing sensitive in smell, and other things that is not usual to you. But in your case. It can be sensitive because of your case. You know what i mean" dahil hindi naman 'natural' yung pagkakagawa sa baby, siguro nga mahihirapan ako or hindi ganun kadali ang pagbubuntis kapag galing sa  invitrofertilization ang sanggol.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon