PART II: Just Another Painful Day

6.7K 261 132
                                    

Jade Guevarra's Pov

Last night hindi ko inaasahan na si Althea pa mismo ang maghahatid samin pauwi ng bahay. Kahit kelan talaga napaka gentlewoman niya. Kaya ako na inlove sa kaniya eh. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya. At kagabi maganda ang tulog ko, hindi ako nakatulog na kailangan ko munang umiyak, in fact mahimbing pa. All thanks to Althea.

" Di ba sabi ko sayo wag kang mag iinom?!" Sigaw ni Cathleen sa labas.

"Eh anong magagawa ko? Inaya ako ng mga kaibigan ni Jade eh, alangan naman tanggihan ko yun" paliwanag ni David.

"Ugh! Nakakaloka ka! Iinom inom di pala kaya ..isa kang napakalaking....ugh!" Hiyaw ni Cath. Ang aga aga ng pag aaway ng dalawang to ah.

"Hoy hoy, pasalamat ka at sinamahan ko yang si Jade, edi kung wala ako dun nagmukha na yang espasol sa kaputlaan" sigaw ni David. At bago pa man si Cath makapagsalita, binato ko na ng unan si David.

"Aray!" Hiyaw nito at tumingin sakin.

"Ang aga aga nagsisigawan kayo, tulog pa yung anak mo" sabi ko sa kaniya habang papalapit sa kanila.

"Eto kase hindi na nahiya si Al pa talaga naghatid sa inyo. Sana nagtext o tawag nalang kayo para atleast ako ang sumundo sa inyo" katwiran ni Cathleen.

"Eh ano magagawa ko nalasing ako eh" sagot ni David.

"Kung ikaw yung sumama sakin edi sana hindi kayo nagtatalo ni David" baling ko kay Cathleen, nakangisi lang sa kaniya si david dahil alam nito kung anong ginawa ni Cathleen. "Kaya pwede ba wag na kayo magtalo. Nakakasakit sa tenga. " irita kong sabi sa dalawa.

"Uuwi muna ako sa condo ni Mama, nandun sila ni Carmy" sabi ko sa dalawa.

"Anong oras ka pupunta? Ihahatid kita" sabi sakin ni Cathleen.

"After natin magbreakfast, mag stay muna ako doon mga two days siguro."

"Sasama nalang ako sayo, baka may gawin kang kalokohan. Para may bantay ka"paliwanag ni Cath habang naka indian seat sa couch paharap sakin.

"Wag na Cath, three years mo na akong binabantay. Alam kong nagsasawa ka na" ngiti kong sabi sa kaniya. Totoo naman, three years na niya akong hindi iniiwan. Malaki na ang pagkakautang ko sa kaniya.

"Jade, narinig mo ba akong nagreklamo sayo?" Umiling lang ako. Totoo naman, hindi siya nagrereklamo sakin, alam ko rin nasasaktan ko siya dahil aware parin naman ako sa nararamdaman niya para sakin pero laging bukambibig ko ay si Althea.

"So bakit hindi mo nalang ako hayaang samahan ka?" Sabi ni Cathleen.

"May loyalty award kana Cathleen" pumapalakpak habang tumatawa si David. Sinuntok naman siya sa braso ni Cath. "Ouch! Masakit yun ha. Napaka nito. Amazona!" Sigaw ni David kay Cathleen. Napapailing nalang ako sa dalawang ito.

"Maghain na nga kayong dalawa jan, gutom na ko. Mag shoshower lang ako" tumayo na ako at bumalik sa kwarto.

"Opo mahal na Reyna!" Sigaw ng dalawa.

Si David at Kelsey muna ang maiiwan sa condo ni Cathleen dahil nagpipilit ito na sumama sakin, gusto daw niya akong bantayan. Para naman akong mag papatiwakal, or mag lalason dahil sa pagbabantay na gagawin niya. Never in my life na gagawin ko yung ganung bagay. Siguro yung paghihiwalay namin ni Althea ang makaka tegi sakin.

40 minutes lang ang biyahe namin papunta sa condo ni Mama. Nasa pinto ng unit palang kami ni Mama ay rinig ko na ang masasayng tawanan sa loob.

"Tita Jade is here!!" Hawak ni Mama ang kamay ni Eunice habang karga ito at itinuturo ako. Ngumiti naman ang pamangkin ko.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now