PART II: Three Years Later

5.7K 238 52
                                    

Three Years later

Jade Howell's Pov

"Babe let's go, we have a lot of things to do at the resort"

"Okay. I'm done.." agad kong kinuha ang body bag ko and check myself in the mirror kung okay na ba ang suot ko. I make sure na naka turn off lahat ng switch, then lock yung door bago ko puntahan ang taong nag hihintay sakin sa sala.

"You look pretty" puri sakin ng mala modelong babae sa harap ko, she kiss my cheek.

"And you look like one of those VS Model" biro ko naman sa kaniya.

"Hmmm you look like one of those FHM Model" sabi naman niya at pinanlakihan ko siya ng mata. Paluin ko man sa braso.

"Cathleen! Ang dami mong alam. Tara na nga, marami ka pang ididiscuss sa mga bakasyonista" i hug her right arm at hinila na siya palabas ng unit namin.

It's been three years simula ng makapag desisyon ako ng isang bagay na nakapag padurog ng damdamin namin. After ng pag uusap namin ni Althea, agad kaming nagtravel abroad ni Cathleen para i-process ang annulment namin ni Althea. And after 1 year ibinaba na ng korte ang petition ng annulment namin

I'm no longer Mrs. Jade Howell Guevarra, our marriage is now null and void. But one thing na ayokong mawala sa pagkatao ko bukod sa pagmamahal ko sa kaniya ay yung pangalan na ibinigay sakin ni Althea. Yes, I'm still using the name 'Jade' Howell na nga lang. Lahat ng documents ko yun ang ginagamit kong pangalan.

Three years na pala lablab, namimiss mo kaya ako? Kase ako oo. Walang araw na lumipas ang hindi kita laging namimiss at naaalala, i miss you so much lab.

"Earth to Jade, Earth to Jade" snap ni Cathleen sakin.

"Yes? Sorry? What were you saying?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"I said malapit na tayo, better check your things. Para di na tayo bumalik dito sa kotse." Paalala sakin ni Cathleen. Agad ko namang tiningnan ang mga gamit ko.

"Nandito lahat" sabi ko.

"Namimiss mo?" Pasulyap na sabi ni Cathleen habang nag mamaneho siya.

"Honestly Yes" totoo naman di ba? Ayokong magpakaplastik sa sarili ko.

"Things will fall into rightful places, It's gonna be alright Babe" hawak ni Cathleen sa kamay ko, bahagya akong ngumiti sa kaniya at hindi ko na muna inisip pa ang ilang mga bagay bagay.

"Ikaw nalang makipag meet dun sa mga client at tourist na dadating Cath" naka pout kong sabi.

"Ang daya mo talaga, ano pa bang magagawa ko?" Roll eye na sabi sakin ni Cathleen.

"Alam ko namang hindi mo ko matitiis" nakangisi kong sabi sa kaniya.

"Whatever" niyakap ko naman siya ng mahigpit habang naglalakad kami.

We're here sa Palawan, napagkasunduan namin ni Cath na magpatayo ng isang Beach Resort dahil pareho kaming mahilig sa dagat at sa nature.

"Punta na ako, text mo nalang ako kung san tayo mag memeet" sabi sakin ni Cath, naisipan ko namang magpunta sa tabing dagat. Maaga pa naman so hindi pa gaanong tirik ang araw at hindi pa masakit sa balat.

Sally Calling....

"Hello" bati ko sa bestfriend ko. Namimiss ko na ang isang ito.

"Hello ka jan, bruha ka Jade kelan kana magpapakita?!"sigaw ni Sally sa kabilang linya.

"Hulaan mo" natatawang sabi ko, for sure iniirapan na ko nito.

"Duh, manghuhula ba ako? Pag ikaw talaga nakita ko sasabunutan kita" banta sakin nito.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon