[ 16 ] Ligaw Tingin

6.5K 303 24
                                    

Jade Guevarra's Pov

Last night hindi na ko nakatulog ng maayos pagkatapos kong marinig ang kanyang mga sinabi, hindi ko alam pero nalulungkot ako at parang maiiyak ng sabihin nyang kelangan naming dumistansya sa bawat isa. Inakala kong tatabi sya sakin sa pag tulog pero pag harap ko, bakante ang kanyang pwesto. Maaga naman akong gumising dahil naisipan kong lumabas muna ng bahay around six am. Nagpasama ako kay George. Alam kong galit pa sya dito pero ayoko namang mag isang lumabas. Nagpasama ako sa kanya sa iaang coffee shop.

Inaya ko syang mag kape pero ayaw nya. Hihintayin na lang daw nya ako, pagka order ko, naupo ako malapit sa may bintana. Pinagmamasdan ko ang mga taong nasa labas. Ang iba au nag jojogging, ang iba naman ay naglalakad kasama ang mga mahal nila sa buhay. Kami kaya kelan lalabas ni Althea na katulad noon? Yung makikita ko sa kanyang mga mata na masaya sya dahil kasama nya ako..sa isiping ito mas lalo akong nalulungkot. Hayyy..

"Lalim nun ah!" Napatingin naman ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko. "Oppss sorry to interrupt you"

"No its okay..how may i help you?" Ngiti ko sa kanya, ngumiti rin sya sakin at napakaganda nya. Mala model sya sa kanyang postura.

"Can i share?" Turo nya sa bakanteng pwesto sa harap ko. Nilobot ko naman ang aking paningin at marami namang bakanteng upuan. Napaisip tuloy ako kung pauupuin ko to knowing na maraming bakante. Baka modus to ah. Baka budol budol..

"Ehem" pukaw nya sakin, napansin siguro nyang pinag iisipan ko sya ng masama. "Mukha ka kaseng may problema kaya lumapit ako" ngiti nyang muli.

"Uhm wala naman..lika maupo ka" pag aaya ko.

"Thanks.." pag upo nya " ay by the way im Cathleen Hernandez" pag abot nya sa kamay nya.

"Jade Guevarra" then i accept her hand then we shake it.

"Nice to meet you Jade, so matagal kana ba sa coffee shop na ito?"

"Nope, siguro second time palang. Ikaw?lagi ka ba dito?"

"Yup, dito ko lagi bumibili ng coffee, masarap dito eh. Ngayon lang ako napaaga ng bili. Dati kase around 8 pero ngayon favorite ko na ata ang pang six in the morning na coffee." Sabay ngiti nya sakin. Bigla ko naman syang napalo ng bahagya.

"Sira ka" then we both chuckled.

"Anyway what do you do for living?" Tanong nya sakin after sipping her coffee.

"Actually, nasa bahay palang ako now. Pero one of these days baka mag tutor ako sa mga kids, nirecommend kase ako ng kaibigan ko sa school na pinagttrabahuhan nya."

"Oohh so you like kids pala. Hmm that's great. Isa ka sa magiging founder of education nila..Bagay sayo Jade" sabay thumbs up pa nya. Kaya napatawa ako sa kanya. Makwela rin sya. Yung akala mo matagal na kayong magkasama at magkakilala, magaan ang loob ko sa kanya kahit wala pang isang oras ang pagkakakilala namin sa isa't isa.

Napuno ng tawanan, kwentuhan ang pagkakakilala namin ni Cathleen. Nalaman kong isa pala syang model at paminsan minsan ay music teacher. Kaya may time na nakakarelate ako sa kanyang kinukwento. Hindi ko namalayan na isa't kalahating oras na pala ang pag kukwentuhan namin.

Althea Guevarra's Pov

Nagpalipas ako ng gabi sa guest room, sinadya kong magpatanghali ng gising dahil wala naman akong gagawin. Isa pa baka pagnakita ako ni Jade, mas lalo pa syang mainis sakin..tiningnan ko ang bedside table ko na may orasan. 9 o clock na pala.. nag ayos muna ako ng suot ko at saka lumabas ng kwarto, pagkababa ko hinanap ko si Jade pero sabi ni Nanay Lora ay umalis ito kaninang umaga kasama si George. Tsk! Last night i warned them pero nag matigas pa rin pala sya..

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon