PART II: Epic Fail

6.8K 295 57
                                    

Agad nilang isinugod si Jade sa hospital. Mabuti nalang at naroon si David para buhatin si Jade. Tinawagan agad ni Cathleen si Sally para iinform na nakauwi na si Jade pero isinugod nila ito sa hospital.

"Anong nangyayari sa anak ko?" Naiiyak na sabi ni Amanda kay Cathleen at David. Tahimik lang sa tabi niya si Kelsey.

"Tita magiging okay din po ang lahat" yakap siya ni Cathleen.

"Sinabi ko naman kasing wag magpakapagod ang batang iyon" nagkatinginan naman si Cathleen at David.

Kalahating oras na iniexamin si Jade ng mga doctor. At pagkatapos nito ay inilipat na siya sa private room.

"The patient is okay, wala naman kaming nakitang hindi mabuti sa kaniya. Tawagin nyo nalang kami kapag gising na ang pasyente" lumabas ang doctor kasama ang isang lalaking nurse.

"Sige po Doc. Thank you" sagot ni Cathleen.

"Guys lalabas lang ako sandali" paalam ni David.

Papunta siya sa nurse station para magtanong tanong ng pwedeng gawin once na nagising na si Jade. Nagkataon na puro lalaking nurse ang naroon.

"Ehem sinasabi na nga ba" tikhim ni Paul. Napalingon si David sa dalawang taong naka halukipkip sa dibdib at naniningkit na nakatingin sa kaniya. Tila ba parang nahuli siya na may masama aiyang ginagawa.

"Eh kaya naman pala may kakaiba tayong naaamoy sa isang to eh. Ka federasyon mo pala Paulina" binatukan naman ni Paul si Batchi. Nahuli ng mga ito si David na pasimpleng dumadamoves sa poging nurse.

"At talagang nurse pa ang pinatulan ha. Hoy Deybid nasa hospital ang kaibigan natin. Wag mo na unahin yang kalandian mo." Sigaw ni Paul.

"Eeh nandun naman si Cathleen keri bels na nila yun. Isa pa wala naman sakit si Jade" katwiran nito.

"Bahala ka na ngang bakla ka jan" umalis na si Paul at Batchi.

Kasunod nilang dumating si Sally, Wila at Bianca. Ibinilin ni Cathleen na wag sabihin kay Althea ang nangyari kay Jade.

Jade Howell's Pov

"Nasan ako?" Bulong ko sa sarili ko habang sapo ko ang aking noo.

"Anak gising kana" agad na yumakap sakin si Mama, napamulat ako sa aking nakita. Nasa hospital ako?

"Bess buti naman nagpakita ka rin.. ano nangyari sayo?" Worried na sabi ni Sally.

"Anong nangyari sakin?" Tanong ko sa kanila.

"Nawalan ka ng malay" sagot ni Mama, napansin kong may doctor na pumasok.

"Buti nagising kana miss Jade" sabi ng babaeng doctor.

Kasunod na pumasok sa loob si David, katabi niyang nakatayo si Paul at Batchi.

"Ano pong nangyari sakin" tanong ko sa doctor.

"You are stress buti nalang hindi nakasama ito sa condition mo"

"Anong condition po? May sakit po ba ako?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala kang sakit. In fact, good news ang dala ko.You are three months pregnant..congratulations" masayang balita ng doctor. Hindi naman nag poprocess sa utak ko.

"WHAT??!!" Sigaw nilang lahat.

"Me? Pregnant? How? Why? I mean. How nga?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko kase lubos maisip na buntis ako. Samantalang wala naman akong nararamdamang kakaiba sa sarili ko, liban nalang sa lagi akong pagod at madalas mahabang matulog. At yung paiba iba ng mood ko. Oh my Goshhh.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now