[ 5 ] Unexpected Decision

10K 369 9
                                    

Matagal na rin ang mga araw na inilalagi ni Jade sa pamamahay ni Althea, at hindi pa rin maiiwasan ang pagiging aso't pusa nila pero sa huli nagkakabati rin naman agad sila, samahan pa ng kalokohan ng mga kaibigan ni Althea kaya nasasanay na rin si Jade sa mga ito. Pero merong isang tao na sobra ang hinagpis sa pag aakalang wala na ito.

Howell's Residence.

"Mama hanggang kelan ka ba titigil sa pag iyak? Ilang araw ka ng ganyan." Puna ni Carmy kay Amanda na ngayo'y hawak ang litrato ni Rhian at lumuluha.

"Anak, dapat wag tayong mawalan ng pag-asa hangga't hindi nakikita ang katawan ng kapatid mo. Naniniwala akong buhay pa sya" napapa kuyom nalang ng kamay si Carmy sa kaisipang mas mahal talaga ng Mama nya ang hindi naman nya tunay na anak.

"Ma! How many times do i have to tell you na kaya nga walang makitang katawan is because she's dead! Nalunod na sa dagat or maybe kinain na ng mga lamang dagat!" Sigaw ni Carmy sa kanyang ina. Mas lalong naluha naman si Amanda sa tinuran ng kanyang anak.

"Pero anak kapatid--"

"No Ma! She's not my real sister." Paalis na ito ngunit pinigilan sya ni amanda.

"San ka pupunta?" Tanong ng ginang.

"Sa HLH"

"Anong gagawin mo dun?"

"I'll manage that Hotel."

" no. You will not do that. Hindi mo papakialaman ang negosyo nila. Let the board of members and the vice president do that. "Si Rhian na kase ang Ceo ng hotel kung kaya't pag wala ito ay ang ibang kanyang sangay ang dapat mangasiwa ng pagpapatakbo ng hotel.

***

"How's your sleep?" Tanong ni Althea kay Jade, sabay silang nag umagahan ngayon at hindi pa rin maiwasan na mapalaki ang kain ni Jade.

"Okay naman. Mahimbing naman ang tulog ko. Ikaw?"

"Same as you"

"Bat ganyan ka makatingin?"

"Hindi ko lang lubos maisip na ang lakas mo pala kumain" napahinto naman si Jade at dali daling nilumod ang kinain.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng malakas kumain?" Bahagyang napa isip naman si Althea.

"Honestly ikaw palang ang nakilala kong ganyan kalakas kumain."

"Grabe ka naman. Sarap kaya kumain. Ito kaya ang stress releaver ko. Try mo kaseng kumain ng marami. Wag kana mag diet takot ka bang tumaba?"

"Hindi ko na pwedeng itigil ang diet ko kasama na rin yun sa pagiging physically fit ko. Okay lang din naman sayo na kumain ka ng marami."

"Talaga? Kahit tumaba ako?papatirahin mo pa rin ako dito?"

"Kahit na tumaba still, cute ka pa rin"

"Cute? Ano ako aso?" Pareho silang napatawa sa kalokohan nilang dalawa.

*BURP* " heheh Sorry sarap kase kumain eh" peace sign ni Jade kay Althea.

"So may lesson b kayo ni Bianca today?" Si Althea habang umiinom ng coffee.

"Wala muna eh, pero si Wila nag aaya sakin"

"San naman? Wag kang sasama kapag sa kalokohan ni Wila" inis na sabi ni Althea.

"Para kayong mga bata. Bat ba inis ka kay Wila, okay naman sya . Makwela ganon"

"May sayad sa utak yun." Bahagyang napatawa si Jade. "Well anyway maghapon ako sa office mamaya or maybe late pa ko makauwi depende sa mga tatapusin kong work."

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now