PART II : Coco 'n Miel

8.3K 268 36
                                    

Jade Howell's Pov

"Hey pauwi na tayo. Bakit naka simangot ka pa rin jan?" Cathleen ask me while she's driving. Tapos na rin ang check up ko, nag reseta nalang ang doctor ng mga vitamins para sa pag bubuntis ko.

"Dahil hindi ako ang pinili ni Althea" naka labi kong sabi.

"Oh sabi mo tatanggapin mo kung ano magiging sagot niya? Bat ngayon parang gusto mong batukan si Althea sa pagsagot niya.

"Kase nga hindi niya ako pinili, kahit na alam na niyang may anak na kami. Si Denise pa rin huhu" naiiyako kong sabi.

"Ayan, iiyak iyak ka ngayon. Kung tinapat mo na agad siya, hindi yung may pa pili effect kapang nalalaman. Ikaw tuloy ang lugi ngayon"

"Wag mo na nga akong sisihin. Pag talaga nakipagbalikan yang si Althea, pahihirapan ko yan"

"Asus gaano ka kasigurado na babalik sayo yung tao? Pinili na nga si Denise di ba?"

"Ah basta, naniniwala akong babalik siya." Kampante kong sabi sa kaniya.

Althea Guevarra's Pov

"Ate you look mess again. Anong balak mo sa buhay mo ngayon? Mag kukulong nalang jan? Tanggapin mo na kase itong lubid oh. Ipag lalagay na kita sa kisame" tiningnan ko lang si Kate, nandito ako sa kama, yakap yakap ang aking mga tuhod.

"I don't know Kate. I love Jade..i really love her" naiiyak kong sabi. Lumapit naman sakin si Kate at naupo sa tabi ko.

"Then choose her! It's not everyday may babaeng hihingi ng tawad sayo at nagsisisi dahil iniwan ka, at walang babaeng maglalakas loob na sabihin sayong buntis siya at galing sayo mismo, hindi araw araw may Jade na darating sayo unless it's your wife whom you really love. So ano pang ginagawa mo dito? Claim what's yours. Fight for her. Kahit na ano pang nagawa niyang pagkakamali sayo. Anong pipiliin mo? Yung mawala na siyang ng tuluyan at makatagpo ng bagong magpapasaya sa kaniya? O magpakasal ka sa taong napilitan ka lang naman mahalin siya?. Tama si Kate, hindi ko na ulit makikita pa ang isang katulad ni Jade. I should fight for her, for our feelings. I should've choose her dahil sya ang mahal ko.

"You're right Kate." Tumingin ako ng seryoso sa kapatid ko. Tumayo ako at nag punta sa banyo. Pagkatapos nito ay nagbihis ako at kinuha ang helmet ko. While naka leather jacket ako.

"Oh San punta mo?" Tanong sakin ni Kate habang nakaupo siya sa sofa.

"May kakausapin lang ako."

"Okay mag iingat ka" paalaala sakin ni Kate.

Agad akong nagmaneho papunta sa bahay nila Denise, hindi na ako nagtext sa kaniya na pupunta ako. Agad akong pinagbuksan ng guard. Pero bago ako pumasok sa loob ay humugot muna ako ng lakas ng loob para kausapin siya.

"Hey Hon, good to see you" agad akong sinalubong ni Denise at hinalikan sa pisngi.

"Iha, halika at mag agahan ka muna". Pag aaya sakin ng Mama ni Denise. Sana mapatawad nila ako sa sasabihin ko sa anak nila.

"Iha mukhang namumutla ka, okay ka lang ba?" Tanong naman sakin ng papa niya.

"Hon, is everything alright? If you're worrying about the wedding, okay na ang lahat." Masayang sabi ni Denise. How can i hurt this beautiful lady in front of me? Wala siyang ginawa kundi ang mahalin lang ako. But i'm choosing Jade. At kahit anong bitawan ko deisiyon ngayon paninindigan ko na.

"I- i'am sorry" hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. "I'm sorry i can't marry you Denise" umiiyak akong nakatingin sa kaniya, napatakip naman sa bibig niya ang Mama niya habang nagpupuyos sa galit ang papa niya.

THE SUBSTITUTE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon