Together Forever

8.8K 286 69
                                    

Jade Howell's Pov

Nagising ako na wala sa tabi ko si Althea, tiningnan ko ang wallclock sa kwarto ko. 9:15 na pala. Malamang nagpunta na siya sa kaniyang kumpaniya. Nag inat muna ako ng aking mga kamay at nagpunta ng banyo.

"Mama si Althea po?" Tanong ko kay mama na ngayon ay inihahain ang aming almusal.

"Nag alis na anak, pupunta daw siya sa company. Hindi kana nga daw niya ginising dahil ang sarap daw ng tulog mo" paliwanag sakin ni Mama. "Kumain kana, si Althea ang nag handa niyan lahat kumain ka daw ng marami"  di ko mapigilang mapangiti dahil si Althea ang nagluto ng lahat ng ito. Sinimulan ko ng kumain at maging si mama ay sinaluhan ako.

"Anak masaya ako na okay ka kayong dalawa ni Althea" hawak ni Mama sa kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya.

"Oo nga po Ma, kahit na nasaktan ko na si Althea. Pinili niya pa rin akong mahalin."

"Ganun talaga anak kapag nahanap mo na ang one true love mo. Kakalimutan ang lahat ng masasakit na pinag daanan para lang makapiling ang taong mahal mo"

"Ang swerte ko sa kaniya Ma. Hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit na sa anong bagay o tao man."

"Tama Anak. Kailan niyo ba balak mag pakasal ulit?"

"Hindi pa po namin napapag usapan ni Althea" nakangiti naman sakin si Mama. Kung pwede nga lang na ngayon na mismo eh.

"Nararamdaman ko na malapit na ang araw na iyon. Nandito lang ako para sayo anak..susuportahan kita" niyakap ako ni Mama.

Naligo na ako at nagtext kay Althea na pupunta muna ako ng condo ni Cathleen. May kukunin akong ilang gamit. Wala akong narerecieve na text at kahit sa tawag ayaw sagutin..marahil siguro ay abala siya.

"Ma, aalis muna ako" sabi ko sa kaniya.

"Mag ingat ka anak ha, magtext ka kagad" niyakap ako ni Mama at hinalikan sa noo. Dahan dahan akong naglakad, hindi pa man ako nakakalabas ng building ay tinawag ako ng  mga naka assign sa front desk.

"Miss Jade?" Tawag ni Melanie sa akin. Lumapit ako sa kaniya

"Yes Lanie?" Ngiting sabi ko.

"May nagpapaabot po nito" isang box na may katamtamang laki ang iniabot sa akin. Tila may iba akong naramdaman ng hawakan ko ito. Kaya binuksan ko ang maliit na kahon at may laman itong flashdrive.

"Uhm Lanie pwede ko bang icheck ang laman nitong flashdrive?" Kabado kong tanong. Nakakapagtaka kasi dahil walang pangalan, basta ipinaabot nalang.

"Sige ma'am this way po" sinamahan ako ni Melanie sa staff room at doon ay nag open ako ng laptop. Walang ibang laman ang flashdrive kundi isang video. Iniwan na akong mag isa ni Mandy, habang nasa kalapit ng laptop sa mesa ang kahon na pinaglalagyan ng flashdrive.

Pag open ko palang ng video parang pinipiga na ang aking puso. Si Althea! Nakagapos ang mga kamay habang nakaupo sa isang upuan at may isang lampara sa tabi ng kaniyang kinauupuan. May nakatakip rin sa kaniyang bibig. At parang wala siyang malay.

"Althea!" Naluluhang sabi ko habang pinagmamasdan ang kaniyang kinalalagyan. Tila nasa isang abandonadong bahay siya.

"Miss Guevarra, magsalita ka jan" may lalaking nakabonet sa tabi niya at sinampal sya sa mukha.. pilit na nagpupumiglas si Althea. May mga galos na rin siya sa mukha. Althea!..ang mahal ko..bakit nangyayari to.!

"Magsalita ka!" Isa nanamang sampal ang dumapo sa kaniyang mukha.. i swear kapag nakita ko kung sino man yang gagong sumasampal sa mahal ko ..susuntukin ko yan..ilang sandali pa at inalis nito ang busal sa bibig ni Althea.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now