Extra Chapter

7.9K 242 45
                                    

Althea Guevarra's Pov

Malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat, huni ng ibon na lumilipad sa kalangitan, tunog ng alon na humahampas sa tabing dagat. Mahihinang tawanan ng mga taong naglalakad sa maputing buhangin. Mga pamilyang sabay sabay na nagkakainan, ang iba ay nagkakantahan dala ang mga instrumentong kagamitan.

Isang magandang babae naman ang nakapukaw ng aking atensyon kung kaya't nilapitan ko ito.

"Miss is there something wrong?" Nakayuko ito at bahagya kong sinasayod ang kaniyang kinalalagyan.

"N-napuwing yung mata ko" medyo di mapakaling sabi niya, dahil na rin siguro sa hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata.

"Let me see" bahagya ko siyang pinatayo ng tuwid at hinawakan sa magkabilang balikat para makita ko ang kaniyang mata na nakapikit. Maganda siya at morena.

"Hipan ko lang ha, tiis lang ng konti" ngiting sabi ko sa kaniya at dahan dahang hinawakan ang kaniyang kanang mata para imulat. Hinipan ko ng biglaan para maalis agad ang mga ito.

"Okay na ba?" Ngiting tanong ko at bahagya pa niyang iminulat at pinikit ang mata para malaman kung may nakakapuwing pa.

"W-wala na..maraming salamat" ngiting sabi niya habang nakakagat labi pa ito.

"You're welcome" ngiting sambit ko. At nagulat pa ako ng halikan niya ako sa aking pisngi.

Magsasalita pa sana ako para itanong kung para saan iyon ng makarinig ako ng sigaw.

"TSONG!" Tawag sakin ng kaibigan kong si batchi habang dali dali itong naglalakad makarating lang sakin. At sa di kalayuan, nakarinig naman ako ng iyak ng bata.

Agad kong nakita ang taong nanlilisik ang tingin sakin na parang kakainin ako ng buhay. Hila hila niya ang batang umiiyak pero sa paraang hindi naman ito nasasaktan.

"Tsong, anong nangyayari?" Walang kaalam alam na tanong ko.

"Tsong! Dali si Jade" hinihingal na sabi nito.

"A-anong nangyari sa asawa ko?" Natatarantang tanong ko.

"Habulin mo! Bago pa mag transform! Takbo!"tulak niya sakin at nagmamadali akong sumunod kung saan papunta ito sa kwartong inuukupahan namin.

"Yang mommy Althea mo! Hindi na nakuntento satin.! Nakakainis!"

Narinig kong sabi ni Jade sa anak naming si Kelsey. Nadatnan kong nag iimpake ito ng mga gamit habang si Kelsey naman ay hindi na umiiyak dahil sa kinakain nitong cookies.

"Ipagpapalit pa tayo sa mukhang hipon!" Inis na inis niyang sabi.

"Di ba niya naisip? One year na kaming kasal tapos nambababae lang? My Goodness! Masasakal ko yang isa mong ina eh!" Gigil na sabi ni Jade sa aming anak.

"L-love" kabado kong tawag sakaniya. Humarap naman siya sakin at tiningnan ako ng masama.

"Anong ginagawa mo dito? Lumayas ka!" Turo niya sa pintuan.

"Love ano bang ikinagagalit--- oh shit!!" Biglang yuko ko dahil sa hinagis lang naman niya ang flower vase na nakapatong sa lamesa at muntikan na akong matamaan. Biglang pumalahaw naman ng iyak ang anak kong si Kelsey.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Bianca na parang nagmamadali na makalapit sa amin.

"Bianca i need your help" mabilis akong nagtago sa likuran ni bianca.

"B! Umalis ka jan tatamaan sakin yang taksil na yan! Cheater! Isa kang cheater punyemas!"giligit na sabi ni Jade .. namumula na rin siya sa galit kaya kailangan ko siyang pakalmahin.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now