PART II: Storm of Love

6.4K 267 67
                                    

Althea Guevarra's Pov

"Hon, nacontact ko na yung ibang friend ko and family. Sabi nila i cclear muna nila yung schedule nila para makaattend ng wedding natin"

"Hon?"

"Hon?"

"Yes? Sorry? What were you saying?" Tanong ko sa girlfriend ko, nandito kami ngayon sa kaniyang office, masyadong okupado ang pag iisip ko ngayon, si Jade. I know nasaktan ko siya sa sinabi ko pero nadala lang ako ng inis. Nadala lang ako dahil hindi ko parin makalimutan ang pang iiwan na ginawa niya sakin.

"Okay ka lang ba?" Denise caress my face, i manage to smile para hindi siya mag alala.

"Yes, marami lang akong naiisip tungkol sa company" pag aalibi ko.

"Don't stress yourself, malapit na tayong ikasal, baka kapag araw na ng kasal natin mukhang zombie kana" natatawa niyang sabi.

"Did you send all the invitations?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes Hon, and they are so excited na maikasal na tayo". Masaya niyang sabi.

"Me too" sabay halik ko sa labi niya but when i close my eyes. Si Jade ang naiisip ko..Damn!

"H-hey? Are you okay?" May halong pag aalala niyang sabi.

"Uhm Hon, i need to meet Batchi. May pag uusapan lang kami. Babalik din ako agad" paalam ko sa kaniya.

"Is that important?" Denise ask.

"Yes, i'm sorry i have to leave, bawi nalang ako sayo promise" i kiss her forehead baho umalis.

Agad kong tinawagan si Batchi, kailangan ko ng makakausap ngayon. She said na nasa bahay sila nila Paul ngayon. Kumpleto ang barkada. Siguro andun din si Jade. Imposible, nagtalo kami kagabi..

"Oy tsong halika, inom tayo" salubong sakin ni Batchi pagkarating sa bahay nila Paul, nasa mini bar sila ng bahay nila Paul malapit sa pool area.

"No thanks, i just wanted to talk to anyone." Sagot ko at naupo ako sa tabi niya, si Paul ay nag mimix ng inumin.

"Just like Jade?" Tanong ni Paul.

"Jade? What about her?" Naguguluhan kong tanong. Tinuro naman ni Batchi ang direction ng pool area.

Naroon ang iba naming kaibigan, maging si Jade, nakaupo siya sa may pool habang ang paa ay nakalubog sa tubig. Nakayuko siya habang kinakausap ni Bianca at Sally. Si Wila at Jasmin naman ay nag lalangoy.

"Tsong tingin ko kailangan niyo mag usap ni Jade" tapik sa balikat ko ni Batchi.

"Did she tell you something?"

"She didn't tell us anything, but from the way she look like, alam naming ikaw ang dahilan ng pag iyak niya" sabi naman ni Paul.

"I think so too, i need to talk to her" umalis ako sa harap nila at pumunta ako kila Sally. Nakita rin ako nila Wila pero i signal them to keep quiet.

"Jade" tawag ko sa kaniya, tumingala naman siya at nag iwas ng tingin.

"Bess alis muna kami ha, mag usap muna kayo" sabi ni Sally, ngumiti naman ako sa kaniya.

"Jade let's talk" malumanay kong sabi at naupo sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?" Mahina at kalmadong boses niya. Habang nilalaro niya ang paa niya na nakalubog.

"Gusto ko lang makausap si Batchi, hindi ko naman alam na nandito ka. But Jade" hinawakan ko siya sa kamay at napatingin naman siya sakin.

"I'm sorry for what i said last night, hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na yun"

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now