[ 27 ]Jade's Sudden Outburst of Emotion

7.6K 295 95
                                    

Jade Guevarra's Pov

Two days na ang nakalilipas simula nung bumisita kami sa dalawang taong mahalaga kay Althea, yeah. Tanggap ko naman yun. Na hindi na talaga maaalis sa buhay niya sila Sanya at Keisha, wala naman akong magagawa dumagdag lang ako sa buhay niya. Ewan ko ba, bat ganito nararamdaman ko ngayon daig ko pa ang nagseselos gayon namang panghalili lang ako sa buhay niya. Napaka emotional ko naman ngayon ano ba yan.

"What!?? Are you serious?!" Napamulat naman ako at napatingin sa taong nakatayo malapit sa bintana habang may kausap ito sa telepono. Napatingin naman siya sakin, hindi ako gaanong makagalaw kase namimigat ang pakiramdam ko. Nag peace sign naman siya sakin." Let's talk about that kaoag nasa office na ako, okay bye, ingat" then she walk towards me.

"Lablab papasok ka na?" I ask her at naupo naman siya sa tabi ko.

"Yes love at may pag uusapan kami ni Paul" gustuhin ko mang pigilan siyang pumasok at samahan ako dito sa bahay, hindi ko naman magawa kase sya yung boss at alam kong kailangan sya dun, kaya heto..matutulog nalang muna ako, tumalikod na ako sa kaniya.

"Love, you have your period" dahan dahan ko namang kinapa ang likod ko at meron nga! Kaya pala masakit ang puson ko. Babangon na sana ako ng biglang pagsaktan ako ng puson.

"Ugh...aray koo" daing ko.

"Love are you okay? Anong masakit sayo?" Lumuhod naman siya sa may tapat ko.

"Lablab, may menstrual cramps nanaman ako." Daing ko sa kaniya, minsan nagkakaganito kase ako kapag first day.

"Hold on, i'll prepare you a warm bath para ma lessen ang sakit ng puson mo." Pupunta na sana siya banyo ng pigilan ko siya.

"Lab wag na, malalate ka na sa work mo" nanghihinang sabi ko.

"No, i'll stay here, itatawag ko nalang kay Batchi yung mga kailangan at ipapakuha ko kay George kung sakali mang meron. Just wait there, i'll make this quick" she kiss my forehead before going to the bathroom.

At gaya nga ng sabi niya, habang nag peprepare sya ng mga warm bath ko, tinawagan niya si Batchi para sabihing hindi siya makakapasok muna.

"Love, okay na, kaya mo bang lumakad?" Worried na worried nyang sabi. Binato ko naman sya ng unan at tumama iyon sa mukha niya, ang cute nya kase eh.

"Of course i can walk! Hindi ako imbalido no, may bisita lang ako" natatawa kong sabi sa kaniya na nakadagdag ng sakit ng puson ko. Kakamot kamot naman siya ng kaniyang batok.

"Nag aalala lang ako, oh tara tulungan na kita" tinulungan niya akong tumayo at inalalayan papunta sa loob ng banyo.

"Dito nalang,  kaya ko na" pag pigil ko sa kaniya ng akma siyang papasok sa loob.

"Are you sure kaya mo na? Baka kailangan mo ng assistance"

"Hindi na, kaya ko na, mabilis lang ako" sabi ko sa kaniya, isasara ko na sana yung pinto ng pigilan niya ako.

"Sure ka talaga?" Ang kulit niya po promise.

"Oo sure na ko lablab, isa pa kapag nasa iisang banyo tayo, lalo lang tumatagal, baka lalo sumakit puson ko sayo" natatawang sabi ko, ngumisi naman siya.

"Akala ko makakalusot eh." Bulong niyang sabi.

"Sige na, tsupi na muna.." at nag alis na siya sa tapat ng pintuan.

Pagkalabas ko galing sa banyo, kapapalit lang ni Althea ng pambahay na damit at may inaayos sa laptop niya. Habang kausap si George, at may iniuutos itong ipakuha sa office. After nun ay umalis na kagad si George.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now