[ 28 ] The New Boss is My Wife

8.9K 314 66
                                    

Althea Guevarra's Pov

"What did you say batchi?" Narito ako ngayon sa study room, nirereview ko ang lahat ng files ng Luxurious Hotel, parang may mali.

"May nawawalang pera sa record ng admin ng finance sa Hotel"

"How come? Kaya ba may nakikita akong mali dito sa report. Hindi dapat mangyari yun, babagsak talaga ang Hotel kapag patuloy itong nangyari." Di ko mapigilang mainis sa mga posibleng mangyari sa pinakaiingatang hotel ni Jade, hindi pwede. Hindi ako papayag.

"What's your plan now?" Hindi ko pa nasasabi kay Jade na malapit ng isalin sakin ang pangalan ng Hotel, siguro mamaya nalang.

"Pakisabi na bukas ng gabi, invited ko sila sa bulwagan ng hotel, i want to meet all of them especially Jason Chua and his family."

"Okay noted tsong" then i ended the call. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot ang aking sentido. Tiningnan ko ang wall clock at maaga pa pala, 7 am palang.

Siguro mas mabuti pang bumalik sa kama at mahiga katabi ng maganda mong asawa. Last night hindi ko talaga inaasahang sasabihin na niyang mahal niya ako. Hanggang ngayon parang nag poprocess palang. Hindi nga yata ako nakatulog ng maayos dahil don. Pero okay lang, mahal ako ng asawa ko, mahal ako ni Jade.

Tumayo na ako at lumabas ng study room. Dahan dahan kong binuksan ang seradura ng pinto, ngunit isang seryosong mukha ni Jade ang kaagad kong napansin. Nakatitig sya sa flat screen na naka hang sa pader. Isang news ang pinapanuod niya at tungkol ito sa Hotel nila. Nung matapos na yung balita saka niya inoff ang tv. Lumapit ako sa kaniya at sumandal rin sa headboard.

"Nung alam nilang malapit ng bumagsak yung hotel, saka ipagbibili sa ibang tao? Anong klase sila?! Hindi man lang nila tinanong si Mama. Or worst baka niloko na rin nila si Mama!" Ramdam ko ang galit niya. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at pinipisil pisil ito, sinusubukan kong pakalmahin siya.

"Love, wag kana magalit please. Malay mo napaganda pa yung lagay nung hotel nung may nakabili ng bago " Pag amo ko sa kaniya.

"Lablab hindi mo naiintindihan eh, Dugo't pawis ang pinuhunan ng daddy ko para umunlad lang yun. Pero ngayon parang binabalewala nila kase hindi sila yung nagpakahirap" inis pa rin niyang sabi.

"Love, ganito nalang. We will attend the parry tomorrow night sa Luxurious Hotel."

"Party? What party?" Tanong niya.

"Bukas mag sasagawa sila ng pagsasalo salo sa Hotel ninyo, i think ipapakilala na yung bagong may ari nung Hotel" inosente kong sabi.

"Owkay, humanda sakin yung mga pangit na yon. I think ito na yung time para makita nila ako" may inis sa boses niya, akala ko nakalimutan na niya yung pakay niya. Pero hindi ko naman siya masisisi, niloko siya at pinagtangkaan pa ang buhay.

We're hugging each other habang nakahiga kami sa kama, masarap pala sa pakiramdam na yakap mo yung taong mahal mo, pero sana wag lang siyang magagalit kapag nalaman niyang ako yung bumili nung hotel hehehe. Naputol ang pag iisip ko ng mag message sakin si Batchi.

"Love, pinapapunta lang ako saglit ni Batchi sa office, may client daw kaming gusto ako makausap personally." Humarap siya sakin.

"Napakademanding naman niyan" nakapout na sabi niya, di ko naman maiwasang mapangiti sa kaniyang inaasal. So, i kiss the tip of her nose.

"Saglit lang ako, at mag sasabi na rin ako na nasa San Martin tayo bukas..so ibibilin ko muna ang company"

"Hmm sige, pero dito ka ba mag lalunch?" Niyakap ko muna siya, mamimiss ko kase siya sa sandaling umalis na ako mamaya.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now