[ 25 ] The Untold

6.3K 268 22
                                    

Jade Guevarra's Pov

Akala ko katapusan ko na, akala ko hanggang dun na lang ang pag kakataon na makakasama ko si Althea, i tried to save her pero ang nangyare ako nanaman yung nangangailangang iligtas, but this time hindi sa bisig, o yakap o mula sa kanya, kundi sa bisig ni Cathleen. Kaagad nya akong dinala sa isang cottage na malapit sa dagat at doon hinilot nya ang paa kong namumulikat.

"Jade! Jade are you okay?" Worried na tanong sakin ni Paul.

"Bess anong nangyare?" Naiiyak na sabi ni Sally.

"S-si Althea?" Mahinang tanong ko habang pinagmamasdan sila.

"I think kasama sya nila Batchi at tinatanong kung anong nangyari" sagot ni Bianca.

"Jade, mas mabuti pang magpahinga kana sa room mo" saka lang ako napatingin sa taong sumagip ng buhay ko.

"Cath" naiiyak ako habang niyakap ko sya.

"Shhh..it's okay, you're safe now" hinawi nya ang mga buhok sa aking mukha at hinalikan ako sa aking noo.

"Uhm..guys, pwede bang ihatid na natin si Jade sa room nya?" Tanong ni Cathleen sa mga kaibigan ko.

"Ah..oh..oo" napapakamot sa ulong sabi ni Paul.

"Tara, tulungan na kita" inalalayan ako ni Cath maglakad.

Pagkahatid nila sa room ko ay saka nagpaalam si Cathleen na aalis na sya, nagpasalamat akong muli sa kanya, sila Bianca naman ang nag abyad sakin..

"P-pwede nyo na akong iwan" sabi ko sa dalawa kong bestfriend.

"Sure ka ba?" Tanong ni Bianca.

"Oo, magpahinga na rin kayo, okay na ako" pilit kong ngiti.

"Oh sige, tawagin mo nalang kami sa kabilang room ha..dadating na rin si Althea" pag aasure sakin ni Sally at niyakap pa nila ako. Umayos na ako ng higa at niyakap ang unan, ano ba kaseng nangyari sayo Althea.

Althea Guevarra's Pov

Before mag dinner naiinis na ako, or should i say nagselos ako dahil sa nakita ko kanina sa aking nakita. Kahit malayuan ko lang na nakita ang babaeng yun, alam kong malakas rin ang appeal nya at ramdam kong she's into girl. Ayoko lang bigyan ng malisya ang pag trato nya kay Jade dahil mismong galing na sa bibig ni Jade na magkaibigan lang sila, but of course hindi ko pa rin maiiwasang mag duda sa Cathleen na iyon, kay Jade siguro friend sila but dun sa Cathleen na yon? I think no.

And after dinner, nag aya sila manuod ng fire dancing, hindi nako nag excuse sa kanila dahil may bibilhin lang naman sana ako. At habang naglalakad ako palayo sa mga kaibigan ko. At habang naglalakad ako tila may boses ng bata na tumatawag sa pangalan ko. Pilit kong iwinawaglit sa aking isipan iyon dahil imposible na wala na sya. Ngunit sa pangungulila kong iyon, tila sinusundan at hinahanap ko ang tinig nya.

Hindi ko namamalayang nakatayo na ako malapit sa malalim na bahagi ng karagatan. At dito lang ako natauhan ng marinig kong tinatawag nila si Jade, kinabahan ako dahil paglingon ko, they tried to save her, noong una tila napako ako sa kinatatayuan ko pero hindi na ko nag dalawang isip pa, binilisan ko na ang pagkilos ko pero hindi pa pala iyon sapat. Someone saved her. And she's Cathleen.

Ng halos malapit na ako, sinalubong na ako nila Batchi..asking what happened. Hindi ko sila sinagot sa halip ay nanatili muna ako saglit habang pinagmamasdan ang iba naming kaibigan na inaalalayan si Jade papunta sa room namin. Wala akong lakas ng loob na magpakita kay Jade. Kaaalis lang nila Bianca, nakita pa nila akong nakasandal sa labas ng pinto.

"She's waiting for you" malumanay na sabi ni Sally. Tumango lang ako sa kanila, nag dadalawang isio kung papasok na ako sa loob o hindi..at sa huli napag pasyahan kong maupo nalang at sumandal sa pinto. Minabuti kong hintayin nalang na matulog muna si Jade bago pumasok sa loob ng kwarto.

THE SUBSTITUTE BRIDEWhere stories live. Discover now