1: Free

9.2K 169 3
                                    

A YEAR AND A half ago she was supposed to be 'Mrs. Bryce L. Ragadio' pero napagtripan ata siya ng tadhana kasi ang akala niyang anghel na si Bryce ay demonyo palang babaero. For a good one week ay halos hindi siya lumalabas ng bahay o pumapasok ng trabaho. She kept to herself and cried her heart out kasi kahit na tama naman ang ginawa niya ay masakit pa din na ganun lang siya niloko. Adea wanted to burst kasi sobrang kahihiyan niya sa nangyari, nahiya siya sa magulang niya at sa mga kuya niya dahil mali yung lalaking minahal niya pero wala naman siyang sumbat na narinig sa mga ito. In truth, they even wanted to kill that bastard that broke her heart.

"What do you mean na the wedding is off hija?" Tanong sa kanya ng nanay niya habang kumakain sila ng hapunan.

It has been a week since she broke up with Bryce at ngayon lang siya pumunta sa bahay ng mga magulang para sa weekly dinner nila. Walang kaalam-alam ang mga ito sa mga nangyari sa kanya the past week. She wanted to keep it to herself kasi nahihiya siya sa mga magulang at mga kapatid.

"I broke up with him Mama." She said.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ng Papa niya. Everyone's eyes were on her at yun ang ayaw niya.

"Can we please discuss this after dinner na lang po?" Tumango naman ang ama niya at nagpatuloy ang lahat sa pagkain.

When they finished dinner ay nagtungo sila sa study. It was only her parents and siblings kasi ayaw naman niyang marinig pa ng mga nobya ng dalawa niyang kuya ang nangyari sa kanya.

"Nagkatampuhan ba kayo anak?" Her father was always gentle with her kasi bunso nga siya at nag-iisa pang babae kaya spoiled siya at super alaga.

"No Papa, he cheated po. I caught him in bed with someone else."

"What?!" Halos sabay-sabay na sabi ng lahat ng andoon sa study.

"Nasaan ang lalaking yan?" Sabi ng Kuya Leo niya. He is the fourth child at ang pinakamalapit sa kanya kasi tatlong taon lang ang pagitan nila. He was the most protective of her at ang pinakatutol na magpakasal siya at the age of only 23. "I will strangle him till his head is out of air."

"Kuya naman!" She squealed. Kahit naman galit siya sa dating nobyo ay ayaw naman niyang maging criminal ang kanyang kuya para lang ma-vindicate siya.

"Nasaan siya Adelaide?" Tanong naman ng Papa niya. He looked like he was ready to hunt someone down and shoot him straight between the eyes. Yun naman ang pinaka-common na look sa mga kuya at ama niya. For sure ay matindi ang galit ng mga ito lalo na at siyang unica hija at bunso pa ang naargabyado.

"Hindi ko po alam Papa pero please let it go. Ayaw ko na madamay pa po kayo. I can survive this. Sa inyo pa nga po ako nahihiya kasi baka may masabi pa po ang press o ang mga kakilala natin dito." Tears started to roll down her cheeks at naramdaman na lang niyang niyakap siya ng kanyang ina.

"Hush sweetie, we'll take care of everything. Wala kang kasalanan, you do not have to apologize for anything." At humigpit pa ang yakap nito sa kanya.

"Oo nga Addy, lalaki lang yun. Kami ang bahala sayo!" Sabi naman ng kuya Dave niya na siyang panganay. Among the five of them ay palaging ito ang voice of reason.

"Magbabayad yung kutong-lupa na yun sa pananakit niya sayo. Hindi ko kailangan manakit ng pisikal para maiganti ka." Sabi naman ng Kuya Yñigo niya, ang pangatlong anak. He is also in the advertising field helping their mother.

"Sorry Mama, sorry Papa, sorry mga kuya. I should have listened that I was too young." Humahagulgol pa din siya ng iyak.

"Anak, you have to be strong. You have to be able to fight for yourself. Wala ito. Ikaw ang mahalaga." Lumapit din ang Papa niya sa kanya at niyakap din siya. "Someone will come along, hindi ka sasaktan at mamahalin ka talaga."

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now