36: Distance

4.1K 121 7
                                    

PS: This chapter will have huge time jumps to accommodate for the events that will take place. Hold on tight! :)

"IT CAME," KWENTO niya kay Mati sa telepono.

"It did? So when are you flying out? You have to get a place and surely madami kang aayusin dito." Rinig na rinig niya ang excitement sa boses ng kaibigan pero hindi niya maramdaman sa sarili niya mismo. She's not that happy.

"Hindi ko pa alam," she sighed. Achievement to pero hindi niya magawang maging ganun kasaya.

"Alam na ba nina tito?" tanong nito.

"Yes, alam na nila. They are very happy. Nagplano na nga si Kuya Leo na tumanggap ng trabaho diyan para daw may makasama ako kahit na saglit lang." Kwento nita dito. Ang dami niyang maiiwan dito, ang pamilya niya, ang negosyo niya, lalo na si Jake.

"Eh si Jake, alam na ba niya? He must be thrilled na nakapasa ka sa Columbia University for your MBA." She fell silent. Yun na nga ang mali. Hindi niya sinabi kay Jake na nag-apply siya ng MBA. Nakukwento niya lang sa nobyo na pangarap niyang makapag-aral uli so she can offer a new set of skills for her business. "Oh my gosh, hindi niya ba alam?"

"No, hindi ko sinabi kasi natatakot akong pigilan niya or if pumayag man siya, natatakot ako sa long distance. It doesn't really work for most people." Kinakabahan na siya just thinking about it. Ayaw niyang mawala si Jake sa kanya.

"Addy," sabi ni Mati. "He would understand kasi pangarap mo yan. Bata pa kayo. You guys have a lot of time to be with each other. Dapat panahon niyo to para mag-self improvement pa."

"Ikaw, you are younger than all of us pero ikaw ang pinaka-wise sa mga ganitong bagay." Nasa college pa lang sila ay magaling ng magbigay ng advice si Mati about anything.

"Kaya nga you should listen to me and tell Jake about your acceptance letter. He should be happy for you. Baka nga kung magalit yun ay dahil itinago mo sa kanya eh. Have faith, okay?" suhestiyon nito. She sighed as if accepting deafeat.

"Okay, sasabihin ko sa kanya. Magkikita naman kami mamaya kasi dito siya mag-dinner sa bahay." Sabi niya sa kaibigan.

"You go girl, huwag ka ng sobrang mag-alala. He will understand. If he doesn't then he's not a loss." Hindi niya naman gusto na mawala ito. It has been a smooth sailing 1 and a half years for them. "Oh siya, I have to go. May duty pa ako."

"Alright, thanks Mati! Ingat ka diyan. I'll visit you when I go there." Then she hung up the phone.

A few months ago ay nag-apply siya sa MBA program ng Columbia University sa New York. She wanted to try if makakapasa siya sa dream school niya and lo and behold, dumating ang acceptance letter kahapon sa opisina niya. She felt so happy noong mabasa niya pero knowing na halos dalawang taon uli siya mawawala ay nanghina siya. Paano na sila ni Jake?

Umuwi siya noong araw na iyon sa bahay nila and she announced it to her family, everyone was ecstatic and her kuyas were making plans about where she'll stay, ang Kuya Leo nga niya ay balak ng tumanggap ng trabaho doon so that he could help her adjust even for at least the first 6 months of her stay. Pero hindi pa din nagbago ang nararamdaman niya, iniisip at kinakabahan pa din siya para sa kanila ni Jake. A long-distance relationship is usually not possible anymore.

"Anak, andito na si Jake." Kumatok ang nanay niya sa pintuan ng kwarto niya. She's planning to tell him tonight after dinner. Ayaw na niyang patagalin. Her decision will depend on what Jake says.

Noong makababa siya sa dining area ay niyakap niya si Jake agad, plagi silang demure lang kapag nasa harap ng pamilya para naman wala ng issue o pang-aasar sa kanya in any other way.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now