7: Mystery

5K 131 5
                                    


P.S.: Adea is Addy and Red, so huwag sana kayo malito as I use them interchangeably throughout the whole story. I will use Red most of the time sa POVs ni Jake. Thanks!
__________________

HE WAS UP EARLIER than usual today, ni hindi nga kinailangan gisingin ng Manager niya eh. He was in a very, very good mood kahit pagod siya sa trabaho and he knew very well kung bakit. He's sort of excited to see Red for some reason. It has been a few days noong umalis ito at makisabay sa kanya. There is this certain air of mystery with her na mas nakakakuha ng attensyon niya.

"Ang aga mo naman ata manggulo?" She was wearing a very loose shirt and jogging pants noong binuksan nito ang pintuan. Mukhang bagong gising pa ito kasi medyo magulo pa ang buhok nito at kinukusot pa ang mata.

"Did you open the door without looking at the mirror?" He asked.

"Bakit? Kailangan bang magsuklay pa ako para sayo? Nag-toothbrush na nga ako. Wag ka demanding." Inirapan pa siya nito. Natawa na lang siya. Most girls would really go the extra mile to look pretty when they are with him pero heto si Red sa harap niya na mukhang walang pakialam sa kung anong hitsura nito, not that she looked any less. She's lovely.

"Wow, kailangan ba ma-flatter ako na nag-toothbrush ka?" He laughed.

"Ewan ko sayo, inaantok pa ako. Matutulog ako," akmang isasara na nito ang pintuan. "Kakagaling mo lang dito kagabi, wag ka magulo."

"Wait, kain tayo." At itinaas niya ang plastic bag na hawak. "Nakakalungkot kumain mag-isa."

"Ang clingy mo ah," sabi nito.

"Ikaw na nga inilibre ng pagkain eh, choosy ka pa?" Baliw din tong isang to eh.

"Hay nako," napakamot ito ng ulo bago tuluyang binuksan ang pintuan. "Masarap ba yan?"

"Pancakes and Eggs Benedict, bumili ako when I went jogging." Pumasok na si Jake at nilapag ang pagkain sa mesa.

"Nasasanay ka na ah, baka kung ano isipin ng mga ka-floor natin dito. Ayoko ma-link sayo." Kumuha ito ng mga plato sa drawers at nilapag sa la mesa.

"I doubt that, " He sat down sa may la mesa. He felt happy that he's gonna eat with her again. Bihira lang siyang may kasama sa mga ganitong pagkakataon and having someone like Red kahit paminsan-minsan lang ay masaya.

"Ewan ko sayo, lagot ka sa mga kuya ko." Sabi nito. Umupo na din ito at kumuha ng pancake. "Kain ka na uy, aalis ako mamaya."

"Suplada mo naman," he smiled. "Ilan ba ang mga kuya mo?"

"Apat sila, bunso ako."

"Ang dami mo namang mga Kuya." Nagulat siya doon, mukhang prinsesa pa pala itong si Addy sa kanila and judging by how she live ay mukhang galing ito sa mayamang pamilya. Pangalan lang naman kasi nito ang nakuha niya sa mga co-volunteers nito pero hindi naman daw binanggit ang last name kaya yung 'Addy' lang ang alam nila.

"Oh, natakot ka ata bigla." She laughed.

"Sinong hindi matatakot sa dami ng mga kuya mo."

"Oh, edi bumalik ka na sa unit mo para masaya." Sabi nito, as if naman gagawin niya.

"Ayaw, it's boring to eat alone." He said.

"Baliw, kumain ka na nga ng makauwi ka na." Sabi nito. "Pero bago mo sabihin na ang unappreciative ko, thank you sa pagkain ah."

Napangiti na lang si Jake sa sinabi nito. She's fascinating in a way that she appeals directly to him kahit na medyo magulo pa ang buhok nito ang sobrang luwag ng mga suot ay parang mas maganda ito sa paningin niya. Her simplicity rivals the made up beauties of the industry he works in.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now