19: Normal

3.6K 130 6
                                    


HEADLINE: Adelaide Dueñas is back! Is Jake Francisco her new man?

WHAT THE HELL? Nagulat na lang siya ng biglang ibigay sa kanya ng Kuya Leo niya ang entertainment section ng Sunday newspaper and right smack in the middle is a picture of her and Jake while eating doon sa restaurant sa San Martin. Bakit ba ang hilig ng mga tao na makielam sa buhay ng iba. Lahat na lang binibigyan ng malisya. She wanted to read whatever is written pero ayaw niyang ipahalata na medyo affected siya sa picture na yun. They looked so happy and comfortable.

"Akala ko kapitbahay mo lang yan?" Tanong ng Kuya Leo niya.

"Oo nga, bawal ko ba maging kaibigan yung kapitbahay ko?" She said bago nagsimula uli na kumain. "Nilalagyan lang ng malisya ng mga tao."

"Anak, kakilala mo pala si Jake Francisco?" Tanong sa kanya ng Mama niya.

"Opo, he lives in the unit beside mine." She smiled.

Mula kasi noong nanggaling siya sa San Martin, from her somehow brokenheart ay naging close na talaga sila ni Jake to a point na they always see each other and text. Maalaga sa kanya ang lalaki and he keeps on checking up on her sa tuwing magkikita sila. He's been a really good confidant at nakatulong ito na mawala yung lungkot niya sa hindi man lang nagsimula nilang romance ni Haze. She's finally okay with it.

"Ah," napatango na lang ang nanay niya.

"Bakit kayo magkasama niyan sa San Martin?" Tanong ng Papa niya. They are preparing for the campaign season kaya busy ang lahat.

"Kumain lang kami niyan Papa at nagkwentuhan. They were shooting for the promotional video of San Martin." Patuloy lang siya sa pagkain, sanay na siya sa interrogation ng mga Papa at Kuya niya. They have never been easy on her meeting guys since Bryce at naiintindihan niya naman yun pero Jake is really kind and they jive really well plus hindi naman sila romantically involved.

"Alright pero I would still like to meet him," sabi ng Papa niya.

"Huh?" Napatingin siya sa Papa niya. "Bakit?"

"Hindi ko na ba pupwedeng makilala ang mga kaibigan ng unica hija ko?" Tumigil ito sa pagkain at tiningnan siya.

"Alright, alright, I will prepare dinner sa condo." She gave up trying to counter her father.

"Okay, set it up this week. Pupunta kaming lahat doon." At nagpatuloy na uli ang Papa niya na kumain.

***

WHEN HE SAW THE newspaper imbes na mag-isip siya kung papaano idedeny ang rumors ay napangiti siya. Nagtatatalak na yung manager niya sa harap niya pero wala lang para sa kanya. Okay lang sa kanya na machismis siya kay Red.

"Uy, Jake. Nakikinig ka ba? Anong gagawin natin diyan sa balita na yan?" Sabi ng manager niya na si Mike. They've been long time friends bago niya ito naging manager.

"Hayaan mo lang, wala naman problema diyan." He smiled and continued reading the script he's holding.

"Kilala kita Jake, may gusto ka ba diyan sa kapitbahay mo na yan?" Napaupo ito sa sofa sa harapan niya. "Dude, a lot of people will ask at presidential candidate ang Papa niya!"

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now