24: Forgiveness

3.7K 108 12
                                    

Thank you so much sa paghihintay ng update na ito. This was supposed to be yesterday pero birthday ko kaya patawarin na po please. Sana ma-enjoy niyo ito! Salamat! :) Let's get back on track shall we? 😘
_________________________________________

"KUYA?" HINDI NAMALAYAN ni Haze na kanina pa pala siyang nakatayo sa labas ng bahay ng kanyang ina kaya naman tinawag na siya ni Claire.

It took most of his courage before he had the guts to go here and see his mother. Alam niyang mali na nagtanim siya ng galit sa ina pero hindi naman siya masisisi kasi bata pa siya noong iwan nito sa poder ng ama. She always said that his father could raise him up in a better environment kasi may pera ito. He hated her for that, he hated her for making the choice for him. What if he chooses her over his father?

"Ayos ka lang ba Haze?" Tanong sa kanya ni Addy. Hindi niya alam kung bakit si Addy ang pilit niyang isinama dito. Hindi niya alam kung bakit kampante ang puso niya. It has been a while since he felt safe with anyone other than his family and Bianca.

"Ah, oo. Papasok na ba tayo?" He looked at the huge house in front of them. Mukhang talagang naging maayos naman ang buhay ng ina niya.

He checked up on her from time to time dati at dahil lang ata doon ay naging mas matigas ang puso niya sa kanyang ina. Haze found out that she married a small time businessman a few years after she left him with his father. Nagkaroon din siya ng dalawa pang kapatid sa ina. They lived well, she lived well and didn't even contact him.

"Kung ready ka na, papasok na tayo." Addy smiled at him. "Nakausap na ni Claire si Kenneth. Nasa sala na daw ang Mama mo."

"Okay," he said.

"Ready ka na ba talaga? We can go and just go back kapag ready ka na." Addy took his hand and squeezed it.

"Yes," then he walked towards the front door with Addy's hand in his. Kailangan niya ng lakas ng loob.

"A-anak?" Rinig niya agad na tawag sa kanya ng nanay niya.

Hindi napigilan ni Haze na maiyak sa nakikita niya. His mother that looked so healthy and happy before was now replaced by an old, sickly woman who had no color in her pale face and lips. Pilit niyang kinakapa ang galit sa dibdib niya pero wala na siyang maramdaman. All he felt was pain and sadness combined. Is he ready to lose his mother?

"Go ahead, hug her." Sabi ni Addy as she let his hand go.

Without any hesitation in his body he took all those ten steps in a heartbeat, closing the distance between him and his mother. Nagsisisi siya na nagalit siya dito ng madaming taon. He hated how he refused to see her or even look at her. Hindi niya pa din naiintindihan kung bakit siya iniwan nito sa ama pero parang wala na yung galit. Ang gusto niya lang ay yakapin ang inang matagal ng nawalay sa kanya.

"I'm so sorry Ma, I should have seen you earlier in time. Sana hindi na ako nagmatigas." He was sobbing like a little child in the arms if his mother.

"Anak, hindi kita masisisi. Nasaktan kita pero believe me na maganda ang intensyon ko noong iwan kita sa Papa mo. Gusto ko lang na lumaki ka sa magandang pamumuhay. Alam kong mabait ang asawa ng Papa mo. Nagkasala man ako sa kanya ay tinanggap ka niya ng maluwag sa dibdib." Hinaplos nito ang likod niya bago humugpit pa ang yakap. "Mahal kita kaya ko nagawa yun. Patawarin mo ang Mama."

"Hindi na ako galit Ma, masaya na ako na nakita na kita at nayakap. Masaya ako." Mas niyakap din niya ang ina, not wanting time to pass anymore.

Kung alam niya lang na ganito ang pakiramdam ng pakikipagkita muli sa ina ay nagsisisi siyang ngayon niya lang ito nagawa. He was selfish at sarili niya lang ang naisip niya. Hindi niya naisip na baka nahirapan din ang Mama niya sa naging desisyon nito. He should have been more understanding pero ang mahalaga ay yung pagkikita nilang ito.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon