35: Mistake

4.3K 113 4
                                    

THIS IS JUST PLAIN CRAZY bakit nagkalat sa mga tabloid na nakitang magka-date si Jake at yung Eunice na yun? Parang nung isang araw lang ay may ganito ding balita. This is crazy and hindi niya talaga mapigilan na magalit. Jake has called her numerous times to tell her na nagkasabay lang sila noon sa restaurant kasi may meeting siya ang Eunica had lunch with a friend. Hindi naman siya nagagalit kay Jake, she trusts him and she knows na hindi nito iyon gagawin pero syempre babae siya at may butas naman lahat ng tiwala ng tao.

"Are you angry?" tanong sa kanya ni Lorie. Swerte niya na andito ang kaibigan kahit na may pinagdadaanan din ito.

"I am pero di ko alam kung kanino. Di ko alam kung sa boyfriend ko ba na alam ko naman loyal, sa media o dun sa Eunice na yun na sobra kung makadikit kay Jake." She sighed remembering Lorie. "Thank you for being here, alam kong-"

"I'm okay Addy. I have all of your support, sobra-sobra na yun. This is you time." She smiled, this girl has always been so selfless. Even at times like this she can still smile.

"Alam mo, this is nothing. Jake is loyal, I know him well and we've known each other for a while now. If I want to make this work hindi ko dapat pinapagana yung fear ng nangyari kay Bryce. Right?" She sat upright. Hindi niya sisirain to with doubts. Jake has done nothing but good and he has loved her like a queen kaya he will trust him on this.

"Nakilala ko na si Jake, he seems devoted talaga sayo. If mapatunayan natin na niloloko ka ipapakalbo ko yun at itutulak sa bangin." Sabi ni Lorie.

"Subukan niya lang at ako ang unang gagawa sa kanya nun." She laughed, at least medyo mas magaan na ang loob niya after ng kwentuhan nila ni Lorie. Bibisitahin na lang niya si Jake sa condo nito para naman magkaroon sila ng kaunting quality time together. This has been a hectic week kaya kailangan niyang mag-unwind with her boyfriend.

After ng sobrang habang kwentuhan nila ni Lorie she decided na supresahin ng lunch si Jake sa condo nito. He said na he has not been feeling well since early morning kaya hindi ito umalis para magtrabaho o pumunta sa kahit na anong meeting nito. She happily walked inside the condo premises and went to the floor where Jake's unit is. Sanay naman na siya na sorpresahin ang nobyo kaya naman dire-diretso lang siya na pumasok sa condo, using her spare keycard.

Hindi niya akalain ang susunod niyang nakita. Posible bang mangyari ang nangyari noon in the exact same way? Pagpasok niya sa unit ay nagkalat ang mga damit sa sahig. Bumilis ang tibok ng puso niya habang hindi siya makalakad o makagalaw na. parang ipinako ang paa niya sa sahig. This can't be happening to her again!

"Aaaaah!" nataranta siya ng may biglang lumabas mula sa kwarto. It was a hal-naked Eunice. Hindi rin ito magkandamayaw na takpan ang sarili.

"I can explain, wait." Yun ang sabi ng babae sa kanya pero hindi na niya kinaya. Mas masakit ito kumpara noong kay Bryce kasi mas mahal niya si Jake. Mas masakit kapag mas mahal mo. He was the risk that she freely took.

"No, no." Then she dropped the food that she was carrying as she ran as fast as she possibly can. Hindi niya kaya yung ganitong pakiramdam. Parang sasabog yung puso niya sa sakit. This is bullshit, the universe must be playing a sick joke. How can the same thing happen to her twice?

Balisang-balisa siya habang nasa sasakyan. She was concentrating on stopping herself from crying. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Hindi niya alam kung humihinga pa ba siya. Wala yung tapang niya na dala niya kanina. How can Jake do this to her when he knew what she had experienced before. Alam nito kung gaano kasakit yung panloloko sa kanya ni Bryce.

"Oh, anak ang aga mo naman ata." Sinalubong siya ng nanay niya sa pintuan pa lang. "Are you okay?"

Hindi na niya sinagot ang nanay niya maliban sa isang pilit na ngiti. Tumakbo na lang siya papunta sa kwarto niya. She locked herself and wailed like a crazy woman. She let go of every single tear that could have been locked up inside her. Ang hirap kayang huwag umiyak kung ang yun na lang ang kaya mong gawin. What is she to think kung may halos hubad ng babae na naglalakad sa loob ng unit ng boyfriend niya. He said that he was sick, he said that he did not work, lahat ba yun kasinungalingan na lang? Akala niya ba hindi naman mahalaga yung sex sa relationship nila pero ito pa pala ang sisira sa kanila. What the hell is wrong with her na ganito siya lagi nasasaktan?

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now