22: Kiss

4.3K 125 12
                                    


NATATAWA SIYA HABANG naghihintay sa opisina niya. Bihirang-bihira lang talaga si Addy na pumasok kasi most of the work she has she can do on the go at palaging ang mga assistant niya na lang ang pumupunta o tumatawag sa kanya kung kailangan ng pirma niya or what. She started this show company about two years ago and it has grown into a big company in such a short amount of time at ngayon na alam naman na ng mundo na nakabalik na siya ay sinimulan na niyang maging mas hands on sa business na ito.

"Ms. Adea, andito na po sila." Pumasok ang secretary niya bago lumabas uli noong senyasan niyang papasukin.

"Hi, good-" hindi niya mapigilan na matawa sa reaksyon ni Jake noong pumasok ito sa opisina niya. Her PR people have been bugging her to get endorsers for the brand para daw mas lumakas kaya naman noong isang araw ay nagmeeting na sila, kung saan nakilala niya si Bianca at ang anak nito, ang napag-usapan ay isang celebrity endorser lang kasi malakas na yung kids and women lines nila kaya ang kailangan na gawan ng revamp ay ang men line nila para mas lumakas at pumantay na sa kids and women's.

"Addy?" Sabi naman nung manager ni Jake na si Mike. "Ikaw ang may ari ng brand na to?"

"Yes, upo kayo." Naglakad na papunta sa upuan si Mike pero si Jake nakatayo pa din sa may pintuan kaya siya na ang tumayo at lumapit dito. "Uy, okay ka lang?"

"Huh? Ah, oo." He smiled tapos naglakad na papunta dun sa couch.

"May gusto ba kayo na inumin?" She asked them. "Mag-lunch tayo. Malapit na din ang lunch time or gusto niyong dun na lang mag-meeting?"

"Nakita kita kanina, kaya ka pala masaya. Bakit di mo binanggit sa akin?" Sabi ni Jake.

"Eh kasi business to, ayokong pumayag ka lang kasi kaibigan kita." She explained.

"Pero I'll still do it."

"Huh? Di mo pa nga naririnig yung pitch ko eh. Di ko pa nasasabi kung magkano ang willing kaming ibayad sayo." Nagtataka naman siya sa lalaking to. Wala pa nga silang napag-uusapan eh payag na.

"Gagawin ko dahil sure ako sayo." He smiled. "Aalagaan mo naman ako tapos di mo ako titipirin diba?"

"Baliw, makinig ka pa din syempre. Diba Mike?" Baling naman niya sa manager nito.

"Nako, he decides for himself. Binabayaran niya lang ako para magkunyare na manager niya." Natatawang sabi nito. "Tsaka it looks like he made up his mind about you."

"About our brand, not me." She corrected him.

"Sounds the same to him," pabulong na sabi ni Mike. Napansin pa nga niya na siniko ni Jake ang manager kaya naman tumawa na lang ito.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong ni Jake sa kanya.

"Nagpareserve ako sa isnag japanese restaurant malapit dito at sa isang italian restaurant. Saan mo gusto?" She asked him. "Ikaw din pala Mike, saan mo gusto?"

"Ay may appointment kasi ng nanay ko sa doctor ngayon kaya tatapusin ko lang sana tong meeting." Mike explained as he checked him watch.

"Ay, ganun ba? O sige di bale next time na lang tayo kumain pero kung okay lang sana. Pwede bang bukas na ng lunch ang shoot? May mga aasikasuhin sana kasi ako after tomorrow kaya aalis ako." For some unexpected reason and well, a whole lot of begging and assurance ay pumayag ang Papa niya na sumama siya sa Bicol kay Haze. Yun nga lang he somehow threatened Haze to the bones na kung may mangyaring masama kay Addy ay ipapalibing siya ng Papa nito ng buhay.

***

"Papa, please let me go to Bicol?" She practically begged. Minsan na nga lang sila magkita ng Papa niya ngayon tapos ginawa pa niyang bad mood.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon