28: Plans

3.9K 138 2
                                    


"ARE YOU SURE Ma'am that we still need another shoot?" Tanong ni Paolo na PR Manager niya. "The ones we released are literally headlining some newspapers and news shows."

"I know kaya nga gusto ko na makagawa uli tayo ng campaign close to the successful one." She smiled, pinatawag niya uli lahat ng models and staff, okay na yung extra cost mababawi naman yun ng spike sa sales nila since the ad came out and besides, they can use this shoot for future ads too.

"Okay po, darating na din po si Bianca and Gail. She texted me na malapit na daw sila." Ngumiti ito at iginala ang paningin.

"Okay," tiningnan nito ang cellphone na hawak, parating na din si Jake at Haze. "Dun lang muna ako sa table ah. Call me when everything is ready."

"Sige po," tumango ito at umalis na.

They have planned this for at least two weeks. Di naman kasi pwedeng madaliin ang schedule ng lahat and Haze understoid that. Hindi mo nga lang maiaalis ang saya sa mukha nito last night when the three of them ran this plot out.

As for her and Jake the world has turned 360 degrees. Grabe yung changes sa buhay nila especially now that they have confessed their feelings sa isa't isa. Hindi pa din sila 'in a relationship' status since hindi pa naman siya officially nililigawan ni Jake. Gusto niya pa din naman na maligawan uli at syempre gusto niya na ipakilala formally si Jake as a suitor.

"Hey Red," isang malakung bungkos ng pulang mga rosas ang sumalubong sa pagtingala niya. Napangiti siya knowing na iisa lang naman ang tumatawag da kanya ng pangalan na iyon.

"Hi Jake," tumayo siya at kinuha ang mga rosas. Napalingon siya sa tabi nito kung saan nakatayo si Haze. "Hi Haze."

"Hi Addy," natatawa siya sa hitsura nito na parang sobrang kabadong-kabado. "Andito na ba sila?"

"Wala pa kaya relax ka-" Oops, biglang natanaw niya ang papasok na si Bianca na karga si Gail habang hindi magkandaugaga sa pagbibitbit ng mga gamit nilang mag-ina. Then she whispered. "Showtime, andyan na sila. Help het out."

Mabilis pa sa alas kwatro ang kilos ni Haze. Tumalikod ito at mabilid na sinalubong si Bianca. He easily took all her bags and you can see it in her face na hindi niya talaga kilala si Haze.

"She doesn't know him talaga." Sabi ni kay Jake.

"Yeah, di bale. We planned everything. Ang mahalaga ay yung magkakilala na sila ngayon. Mabait naman si Haze at ang unfair naman na hindi siya makilala ng mag-ina niya." Jake smiled. "On a lighter note, saan kayo boboto bukas?"

"Aalis din kami mamayang gabi kasi sa San Martin kami nakarehistro. Kinakabahan nga ako eh. Dad may or may not win." She sighed. Ang hirap talaga ng politika. Hindi niya alam kung papaano yun kinakaya ng Papa niya at Kuya.

"He will win, your father deserves to win." Ngumiti ito.

"Salamat sa lahat ng tulong mo kay Papa at kay Haze. I owe you." Tinatanaw niyang malaking utang na loob itong mga ginagawa ng lalaki para sa kanya.

"Ikaw pa ba eh malakas ka sa akin." He said.

"Aba, mag-eenjoy ako nito ah." Natatawa niyang sabi dito.

"That's the plan Red." Sabi nito. "Then hopefully you'll be in this with me for the long run."

Bago pa siya makapag-react ay bumalik na si Haze sa tabi nila. "Nakakaistorbo ba ako?"

"Med-" pinigilan niya si Jake.

"Hindi naman. Oh, anong nangyari?" She smiled as she inquired. In fairness ang liwanag ng mukha nito.

His Saving Grace | ✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang