15: Dinner

3.9K 135 7
                                    


"ADDY, MAY NAGHAHANAP sayo." Sabi sa kanya ni Lana habang nag-aayos siya ng gamit na dadalhin niya pabalik sa Manila.

"Sino daw?" She asked, sino bang maghahanap sa kanya ng ganito kaaga?

"Janine daw eh, pinapasok ko na. Nasa sala siya." Iyon lang at umalis na uli ito. Sanay kasi si Lana na mag-jogging muna bago tuluyang magsimula ang lahat ng gawain nito for the day. It's just 6 AM, naisip niya tuloy kung ano ang kailangan ni Miss Janine sa kanya.

Noong makababa siya ay nadatnan niya si Miss Janine na nakaupo sa sala na may hawak na isang tasang kape. Buti naman at may nag-asikaso dito. Hindi naman kasi ito nagpasabi na dadaan ito.

"Miss Janine, ang aga niyo po ata." She sat down and smiled at the lady in front of her.

"Gusto lang sana kitang makausap." Sabi naman nito. Adyy has to admit na medyo natakot siya dahil sa sinabi nito. May ginawa ba siyang mali? Is she gonna convince her to help with the campaign? Hanggang going home lang ata ang kaya niya gawin as of the moment.

"Ah, okay po. Ano yun?" She said as she hesitantly sat down.

"Tungkol kay Haze," she replied.

"Bakit? May nangyari po ba sa kanya?" Kinabahan siya bigla kasi hindi niya naman nakita ang binata noong mga nakaraang araw. May nangyari nanaman ba dito? Sobrang nakakatakot yung nangyari noon kay Haze.

"Wala naman," ngumiti ito and it made her feel a little but calmer. "Naikwento ka sa akin ni Ate Ruby. She said you helped him once noong inatake siya?"

Tumango lang siya. Hindi niya naman kasi alam kung ano ang patutunguhan ng usapan nila. Is she just going to say thank you? Pero bakit ang tagal naman nitong magsalita uli.

"I have never seen Haze laugh the way he did noong isang gabi." She stopped and inhaled na parang pinipigilan ang pag-iyak. "I have never seem him this lively since his accident."

"Nawalan siya ng asawa Miss Janine. I think it really will take a lot of time to grieve. It's an untimely loss. He must have loved her so much," sabi niya in the most respectful tone she can muster.

"Ikinuwento niya sayo?" She smiled again. "He never does that. He imprisoned himself dito for two years just because he wanted to be alone. He never shared o talked to anyone about himself maliban na lang sa pamilya and it's really hard even for us."

"Maybe he's recovering na po." She suggested.

"I hope, pero I just wanna thank you sa mga changes na nakikita namin kay Haze. He's definitely more alive now." Gusto naman niyang maging proud sa pinagpapasalamat ni Miss Janine pero alam niyang lahat yun ay si Haze ang may gawa.

"Miss Janine, lahat ng progress na yan ay si Haze. Wala naman po akong ginawa kundi ang kulitin siya. I just tried to meet my celebrity crush and in the process ay swerte na lang na nag-open up siya sa akin." Masaya siya na unti-unti ng nagiging maayos si Haze. He's been through a lot pero he's now starting to go out into the world again.

"Maybe pero masaya lang siguro talaga ako." She smiled. "Please come and eat dinner with us later. Last night na din namin magkakapatid dito sa Benguet eh. Binisita lang namin si Haze."

"Okay po, I will come." Nginitian niya din ito.

"Sa pintuan ka dumaan ah," pabiro nitong sabi sa kanya. Naging joke na talaga ata dito ang pag-akyat niya sa puno para lang makausap si Haze.

"Miss Janine naman eh,"

"I'm kidding." Tumayo na ito at nagtungo sa pintuan.

"Miss Janine, huwag mo na ikwento kay Papa yung pag-akyat ko sa puno. He'll chain me. Hindi pa gumagaling tong kamay ko nag-stunts nanaman ako." Sabi niya noong makalabas sila ng bahay. She raised her hand with a splint para patunay. Masakit nanaman kasi yun and the cold weather is not helping it either.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now