25: Truth

3.8K 126 22
                                    


"I'M SORRY ABOUT LAST NIGHT," yun ang bungad ni Haze kay Addy noong magkita sila ng umagang yun.

Hindi alam ni Addy kung paano niya haharapin ang lalaking ito. She needs to tell him the truth, kailangan niyang malaman nito na buhay ang asawa nito and they have a child together, na hindi pa rin papantay ang pagmamahal nito sa asawa kumpara sa sinasabi nitong nararamdaman para sa kanya. Noong una siguro matutuwa siya na may nararamdaman si Haze para sa kanya, pinangarap niya yun pero ngayon sigurado na siya. Hindi na si Haze ang laman ng puso niya at kailangan niya din magpakatotoo sa sarili.

"Haze, kailangan kita makausap." She said. She feels guilty as hell, bakit ganoon? Gusto lang naman niyang maging sigurado bago niya ipaalam sa lalaki.

"Go ahead, gusto mo bang dito o sa labas?" Nakatayo lang kasi sila ngayon sa corridor, malapit na din kasi ang flight nila pabalik ng Manila kaya dinaanan na siya nito sa kwarto.

"Pasok ka na lang," binuksan niya muli ang pintuan ng hotel room niya. They needed the privacy.

"You sure?" He smiled bago ay tinanguan niya lang ito. "Okay ka lang ba Addy? Galit ka ba about last night? Sorry."

"No, hindi ako galit." Pilit siyang ngumiti bago nagtungo sa cabinet sa gilid ng kwarto. Tinago niya doon ang kaninang pinaprint niyang mga papeles sa opisina ng hotel. Kanina pa din kasing nagtatalo ang utak niya at puso kung papaano niya sasabihin. "May kailangan lang akong ipaalam sayo."

Kagabi kasi ay tumawag sa kanya ang kaibigan niyang si Celest. Nahanap na daw nito ang mga kailangan niyang malaman, he has all the documents and all the proof na iisa lang ang dalawang Bianca. She did not die, kahit medical records nito ay hinalungkat ni Aidan. He made sure to make her know everything, as in lahat lahat na pwede nitong makuha. Pinalakas din ng mag-asawa ang loob niya na sabihin na kay Haze.

***

"Addy, nakuha na ni Aidan lahat nung pinapahanap mo. He's sure na si Bianca ang babaeng pinakasalan ni Haze. She's one and the same." Hindi na siya nagulat sa sinabi ni Celest. She was sure na ito ang Bianca ni Haze pero kailangan niya ng ebidensya, kailangan niya ng patunay.

"Pwede ko bang makausap si Aidan?"

"Oo naman, I'll give him the phone." Sabi ni Celest. Tahimik siyang naghintay, matapos siyang halikan ni Haze hindi na niya kaya pang itago ito sa lalaki. Naguguilty na siya. She feels like crap, mahalaga si Haze kaya ayaw niyang magsinungaling dito.

"Addy?" Narinig niyang sabi ni Aidan sa kabilang linya.

"Are you 100 percent sure?" Tanong niya sa kaibigan.

"Yes, my people did their job very well. Kahit mga medical records ni Bianca Arcanta ay hinanap nila. Noong nangyari ang aksidente ay dinala na agad ito sa Amerika. Her parents exhausted all their resources para mapagaling si Bianca, malapit na silang mabankrupt dahil doon kaya nagtatrabaho na si Bianca." Paliwanag nito sa kanya.

"Bakit niya tinataguan si Haze?" Yun ang million dollar question para sa kanya. Mahal na mahal ito ni Haze. How can she just drop everything and leave?

"Hindi niya tinataguan si Haze." Naguluhan siya sa sinabi nito. She's clearly hiding kasi kung hindi ay malamang ay magkasama na ang mga ito or did he know already?

"You mean alam ni Haze to?" This is getting more complicated by the second.

"No, hindi niya alam. She doesn't remember him. Ang alam niya ay namatay ang ama ng anak niya noong naaksidente sila. Her parents covered their tracks well." Napailing na lang siya sa narinig. What kind of people are Bianca's parents at nagawa nila ito sa anak nila? "Bianca was in a coma habang pinagbubuntis niya si Gail. The baby was two months already noong magising si Bianca. She has amnesia caused probably by trauma."

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now