14: Share

3.8K 126 10
                                    


SHE DID TRY several times na kumatok sa pintuan ni Haze but to no avail kaya naman nagpaalam na lang muna siya sa mga tao doon na babalik na lang. she wanted to say sorry and explain kasi hindi niya naman alam na ganoon ito. He never asked kaya she didn't say anything. Is this some sort of betrayal for him? Nakakalungkot na kaninang umaga ay sobrang okay naman sila tapos biglang hindi na.

Nang makalabas siya ng bahay ay napansin niya yung malaking puno sa tabi ng bahay. She inspected it to check kung tama ang hinala niya and it was! Katabi ng punong iyon ang bintana ng kwarto ni Haze and it was open. Mukha din naman matibay ang puno kaya naman naisipan niyang akyatin iyon. If there is one bad thing she considers about herself its her inability to stay still kapag alam niyang may taong galit o naiinis sa kanya maliban na lang kung mutual ang galit nila. She has to talk to him right away!

"Bahala na nga," tiningnan niya ang puno at nagsimula na siyang umakyat doon. She did not mind the slight pain in her wrist kasi malapit na siya dun sa sanga eh ngayon pa ba siya sususko?

Noong tinutulay na niya ang hagdan she was silently praying na sana ay hindi siya malaglag sa puno. This will be a really cruel way to go if ever. Inestima niya ang layo ng bintana at wala naman na iyon sa dalawang ruler pero hindi na ganoon katibay ang mga sanga kaya kailangan ay dahan-dahan siya. She has always been a little afraid of heights pero hindi sa mga puno. Palagi pa nga siyang inaasar dati ng mga kuya niya na unggoy eh. Mabilis niyang tinawid ang pagitan ng puno at ng bintana. Muntik pa siyang di umabot buti na lang ay napakapit na siya sa gilid ng bintana.

"Oh shit," she murmured.

"Anong ginagawa mo?" Nagulat nanaman siya kaya muntik na naman siyang malaglag kung hindi lang siya nahila ni Haze at naipasok sa kwarto. "What the hell are you doing?"

"Sorry," she said.

"I wasn't referring to you not telling me who you are kundi yung stunt na ginawa mo. Paano kung nalaglag ka?" He was mad pero parang natouch naman siya sa concern nito. They were both sitting on the floor right now.

"Sorry uli, ayaw mo akong kausapin eh."

"Do you usually do that sa mga taong ayaw kang kausapin? Buti di ka pa nalalaglag, that was dangerous." He sighed and stood up. Inalok pa nito ang kamay nito sa kanya to help her stand.

"Not always, depende sa taas ng bintana at kung may puno." She smiled and took his hand. "I'm Adelaide Faye Dueñas."

"Bakit ka nagpapakilala?" Kumunot ang noo nito. Ang labo talaga.

"Kasi nagalit ka na di mo ako kilala. I have my reasons." Ngumiti uli siya.

"I know, sorry I've been a terrible person since I became like this." Tinuro nito ang mga pilat nito sa mukha.

"Those are battle scars," she said. "Hindi talaga ako nagpapakilala sa lahat kasi I'm hiding from the world. I'm hiding from people kasi I don't wanna be talked about like before."

"Bakit ano ba ang nangyari sayo?" He sat down sa kama at tiningnan siya. "If you don't mind sharing."

"I was engaged, gave everything to that fucktard." She sighed bago huminga ng malalim. "Then I caught him cheating with another woman."

"Bakit ka nagtatago eh siya ang may maling ginawa sayo?"

"Exactly pero he turned the tables kasi ayaw ko na siyang pakasalan. He and his family suddenly spread rumors about my father, very bad rumors that affected his campaign at the time. Ayaw niyang ma-involve pa ako pero I had to help change the mind of people so I did so many interviews, telling that painful story over and over again. Hanggang sa awa na lang ng lahat ang nakukuha ko. There were harsh judgments pero mostly ay yung awa na ayaw ko kaya I plotted my escape.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now