20: Ghost

3.9K 125 21
                                    


"NANINIWALA KA NA ba na ikaw na ang susunod na makakahanap ng love life?" Nakangiting sabi sa kanya ni Dion. Kinukulit pa din siya ng mga ito tungkol sa prediction ni Chesca sa kanya. Hindi niya maisip kung papaano siya mauuna sa karamihan ng mga kaibigan niya.

"Hindi nga, friends nga kami. Friends as in F-R-I-E-N-D-S!" She sighed, ang kulit talaga ng mga kaibigan niya lalo na kapag nag-fixate ang mga ito sa pang-aasar.

"Hay nako, hayaan mo na yang si Addy." Tapos nilingon siya ni Lorie. "Take your time pero okay si Jake."

"Sus, nailibre lang kayo ng lunch support na support na kayo ah!" She laughed, nagtext kasi bigla sa kanya si Jake kung nasaan siya ang when she said she was with friends he insisted na maglunch sila. Hayun ang mokong at may kausap sa phone, malayo sa kanila.

"Hindi naman, mabait siya at mukhang okay naman na tao." Lorie smiled, tama naman ito pero ayaw niya talagang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila kahit na ang buong Pilipinas ata ay puro malisya na ang ibinibigay sa kanya. May mga ilan pa ngang fans ni Jake na binabash siya habang ang karamihan naman ay todo support, as if may susuportahan sila na relasyon.

"Trending ka na nga sa Twitter eh," sabi naman ni Dion. "Good publicity naman mostly para kay Tito. Mas madami nakikinig kasi naririnig nila pangalan mo o ni Jake. Iba ka talaga girl!"

"Alam mo, nakakainis na nga na may palagi ng sumusunod uli sa kanya na paparazzis para lang abangan ang mga ginagawa niya sa buhay niya. One week na silang nagsisimula sa pangangampanya para sa Papa niya and Jake's been a great help kahit na busy ito sa schedules din niya mismo.

"Oo nga! One even reported na you and Jake live together." Natatawa si Lorie. Ito ang una kasing nagsabi sa kanya tungkol sa balita na yun which she later cleared sa social media niya.

***

"Girl! Kailan pa kayo nag-live in ni Jake?" Kakagising niya lang kaya naman nagulat siya sa tanong ni Lorie sa kanya. Natatawa pa si Lorie habang nagsasalita kaya naman hindi na niya maintindihan pa ang iba nitong sinasabi.

"What the hell are you asking me?" She yawned.

"Nasa tabloid ka girl! Magka-live in daw kayo ni Jake Francisco." Ulit nito.

"What? Anong tabloid yan? Idedemanda ko!"

"Tumigil ka nga! Magpost ka na lang denying it. Sabihin mo na nasa same condominium building lang talaga kayo nakatira. Go na, I'll hang up at may office pa ako. Darating daw nag bagong boss namin." Then the line went dead.

Nagbihis siya ng mabilis at lumabas ng unit only to see Jake standing outside ready to knock. May hawak itong dyaryo at kasunod nito ang manager nito na si Mike.

"So you know," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Please don't go out looking like that."

"What?"

"Pumasok ka na muna, let's talk." Sumunod ito sa loob kasama ng manager.

"Are they kidding me? Baka maapektuhan nito ang campaign ni Papa!" She is so frustrated. Naiinis siya na siya nanaman ang posibleng makasira sa pagtakbo ng tatay niya.

"Rest assured na we are doing damage control at hihingi na ng public apology ang writer ng newspaper na yan." Singit naman ni Mike. Makakahinga na sana siya kung hindi lang biglang nagring ang cellphone na hawak niya.

"Si Papa tumatawag! Si Papa tumatawag!" Nagpapanic siya kaya naman naibato niya yung cellphone kay Jake.

"Red," buti na lang at nasalo nito iyon. "Sagutin mo na."

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now