16: Roadtrip

4.1K 114 7
                                    


It has been three hours since she arrived in Manila. Wala pa din siyang ginagawa mula noong makabalik siya sa condo niya. She is just sitting there looking at the wall and imagining Haze smiling. Mali yun diba? Wala naman siyang feelings para dito maliban na lang sa crush na super mababaw lang dapat, diba? Why is she thinking about him all of a sudden?

"Addy, stop. Wala ka dapat hangover sa kanya. He barely smiled at you doon noong simula. Entertain yourself! Mag-internet ka na lang!" And the was what she did. She opened her laptop and opened the browser na diretso agad sa account na ginawa niya noon para kay Haze.

She opened the inbox and remembered about the message she recieved before saying na may sakit daw ang nanay ni Haze. Ngayon naisip niya na isang malaking hoax lang siguro yun kasi mukhang okay naman ang pamilya ni Haze seeing that his siblings visit him there. Hinanap niya yung message only to see na nagreply pala ito sa kaya.

Kenneth Ortiza: Ganun ba? Sorry. Sana huwag mo na lang ipagkalat.

That reply felt so genuine. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kutob niya na baka kilala nga ni Haze ang Kenneth na ito. She trusts her gut the most kasi tama karaniwan ang mga kutob niya. Instead ata na makalma siya na nasa Manila na siya ay lalo siyang hindi mapakali knowing that she forgot to relay to Haze such an important message.

Natigil naman ang pag-iisip niya ng biglang may kumatok sa pintuan niya. Hindi na niya kailangan na isipin pa kung sino yun kasi sa manner pa lang ng paulit-ulit na pagkatok ay sigurado na siya. Sure siya na si Jake iyon and most probably ay manggugulo lang naman yun.

"Hi Red!" Nakangiti ito sa kanya noong pagbukas pa lang niya ng pinto. Medyo na caught off guard siya kasi for a minute ay parang na-excite siya na makita din si Jake, nako! Nababaliw na nga ata siya! "Okay ka lang? Ang gwapo ko ba?"

"Ewan ko sayo. Anong kailangan mo?" She asked, shaking her head para naman mawala na sa isip niya hitsura nito. Kanina si Haze, ngayon si Jake! What is wrong with her judgment lately? Ugh!

"Ito naman, ang sungit. I just wanna ask how you were." He smiled.

"I'm okay, ikaw ba? Ano na nangyari sayo? Sikat ka pa din?" She said bago naglakad papasok ng unit niya uli. Ayaw naman niyang makipagkwentuhan ng nakatayo no! She needs this distraction from thinking about Haze so much.

"Oo naman, sa gwapo kong to. Siyempre!" Natatawa nitong sabi bago umupo sa katapat niyang armchair. "How was your stay there?"

"It was okay," she smiled. "I met someone."

"Huh? Sino?" His face suddenly turned sour bago muling umokay. Hindi na niya pinansin, maybe was going to joke tapos biglang hindi na lang.

"My ultimate crush," she smiled. "Si Haze Florencio!"

"Si Haze? He's here in the Philippines?" His brows almost touching sa sobrang pagkunot ng noo.

"Idol mo din yun diba?" She asked. Natatandaan niyang kinuwento nito si Haze before.

"Okay lang, isang beses ko lang naman siya nakilala." He shrugged as if nawalan ng excitement ang mukha nito.

"Problema mo?" She stood up and went to the counter to get a bag. May laman iyong mga pasalubong na binili niya for Jake. "Oh, may sweets diyan baka mabago ang mood mo."

"Ang dami mo naman binili," he was looking at the bag nang subukan niyang kuhain. "Oy, walang bawian. Bigay mo na to sa akin eh."

"Akala ko ayaw mo eh." Sabi niya bago siya naupo uli sa katapat na upuan ni Jake. "I have a question."

"Ano yun?"

"Kung may malaman akong bagay na mahalaga, as in super, tingin mo kailangan ko sabihin sa taong dapat makaalam nun?" Kailangan niya ng kakampi sa paniniwala na kailangan niyang sabihin kay Haze ang message nung Kenneth na yun sa kanya.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now