PROLOGUE

13.3K 219 6
                                    


DAHAN-DAHAN binuksan ni Adea ang pintuan ng unit ng boyfriend niyang si Bryce, malamang ay nasa trabaho pa iyon kaya gusto niyang isurprise ang binata by waiting for him to get home. Today is their second anniversary kaya naman naisipan niyang isurprise ito. She just came from a meeting sa Hongkong. Purposely ay sinabi niyang bukas pa ang kanyang dating para naman magawa niya ng tama ang surpresa niya dito. She plans to cook him dinner and have a romantic evening together.

She was about to go to the kitchen nang matanaw niyang may ilaw sa kwarto ng nobyo. Alas siete pa lang ng gabi at hindi pa ito nagtetext sa kanya, parte na kasi ng routine nila na kahit wala sa Manila ang isa at hindi sila magkasama ay magtetext ito ng lokasyon o kung nakauwi na sila. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya, paano kung may masamang nangyari kay Bryce?

Pero napalitan ng galit ang kaba niyang nararamdaman ng makalapit siya sa kwarto at marinig ang impit na mga ungol sa loob ng kwarto. She did not dare take a look at baka iba ang magawa niya at magkasala pa siya sa Diyos. She walked slowly towards the living room and sat there quietly. Every single emotion flooded her.

"Faster Bryce! Faster!" Narinig niyang sigaw mula sa kwarto ng nobyo niya. Kahit masakit ay hindi siya tumayo sa kinauupuan. She's won't go crazy and exert much effort. Hindi niya ipapahiya ang sarili niya.

"You feel so good babe!" Boses iyon ni Bryce, ang walang hiya niyang boyfriend na may kasamang iba ngayon. Akala niya noon ay worth it na ibigay niya ang sarili sa nobyo pero hearing him now, moaning in pleasure with another girl parang maling-mali pala ang choice niya. Yun ang masakit na part ng betrayal ni Bryce. She gave him all that she has pero kulang pa pala.

"Wala ba ang asungot mong girlfriend?" Sabi nung babae habang humahalinghing pa. So alam pa pala ng malanding yun na may girlfriend ang lalaking kasama nito sa kama. Wala ba itong hiya man lang sa kapwa niya babae?

"Nasa Hongkong siya ngayon. We're free to do what we want." Natawa pa ang lalaki. Gago nga naman. How long has he been playing behind her back?

"Pinabili mo ba yung lipstick na sinabi ko?" Sabi uli nito.

Aba! Hindi lang pala malandi ang gagang yun, makapal din ang mukha. Para pala sa babae niya ang pinabibili ni Bryce na lipstick. Ang sabi kasi nito ay para sa kapatid at nanay nito ang mga pinapabili niyang kolorete kahit pa noon kaya naman hindi niya na ito pinapabayad. She has been spending for his mistresses all this time!

"Oo naman sweetheart, baka nga dagdagan niya uli yun eh." He laughed.

"Mayaman naman siya eh! Ni hindi niya nga kailangan magtrabaho eh." Mukhang madaming alam ang babae sa kanya.

It's true na may kaya ang pamilya niya at kaya siyang suportahan kahit na hindi siya magtrabaho pero hindi naman yun ang pangarap niya sa buhay. Hindi niya goal na maging palamunin lang forever. She has a steady job at ayus ang performance niya kaya naman napromote agad siya to management. She felt fulfillment na she's earning her own money.

"Gusto lang naman talaga ng family ko na mapang-asawa ko yung unica hija ng mga Dueñas kaya ko siya niligawan eh. She's no fun at all, unlike you. Kahit sa kama hindi siya magaling." Sabi ni Bryce. Buong akala niya noon ay swerte siya na nakilala niya si Bryce, she felt safe at feeling niya ay mahal siya talaga nito regardless kung mayaman man siya o mahirap pero nagpapanggap lang pala ito.

Adelaide Faye Dueñas is the youngest of five siblings at nag-iisang anak na babae ni Sen. David Dueñas III. Hindi katulad ng mga kapatid niya ay siya yung lesser known child kasi pinoprotektahan ng mga magulang niya at mga kuya niya ang privacy niya. Her mother is Amelia Ricafort-Dueñas, she is known as the CEO and owner of Invidya Advertising, isa sa mga pinakakilalang advertising agencies sa bansa. Ang mga kapatid niya naman ay pawang mga businessmen din pero ang panganay nila na si David Dueñas IV ay Mayor sa bayan ng San Martin, ang hometown nila.

Noong una niyang makilala si Bryce ay para itong anghel na hindi makakapanakit pero hearing him now ay alam na niyang pagpapanggap lang pala ang lahat ng iyon. He did not love the simple Adea that she is but the Adelaida Faye Dueñas na anak-mayaman at parte ng isang maimpluwensyang pamilya. She loved the wrong man.

She made up her mind, hindi na matutuloy ang kasal. He proposed three months ago at ikakasal na sila dapat by the end of the year pero not anymore. Pinaglaruan niya ang singsing sa kamay nila at mabilis na hinila yun. Hihiwalayan niya ang lalaki right here, right now. Masakit man pero ito ang kailangan niyang gawin, there is no forgiveness in what he did. Lahat siguro ng kasalanan ay posible niyang mapatawad pero hindi ang pambababae, he chose someone else over her and her trust can no longer be given again.

"Good thing tapos na kayo." Sabi ni Adea ng lumabas ng kwarto si Bryce na nakasuot lang ng boxers. She waited twenty more minutes bago natapos ang mga ito. Para itong tinakasan ng buhay sa gulat noong makita siya. Serves him right. "Akala ko balak niyong hanggang mamaya pa maglampungan eh."

"A-adea?" He muttered.

"Happy anniversary asshole!" At ibinato niya sa lalaki ang engagement ring nila. Wala na iyong kwenta. Wala nang saysay. "Ibigay mo diyan sa kabit mo!"

"Sino ba yang kausap mo sweetheart?" At mas nagulat pa si Adea sa nakita. Si Geraldine iyon, ang office best friend niya. Office clerk ito habang siya naman ay nasa upper management. She trusted her lalo na at mabait ito sa kanya at masiyahin yun pala she was the devil in disguise. "Adea? Oh my god!!!"

"Look at this, the devil herself. Enjoy mo to. Ayan yung engagement ring ko, sayo na lang din kasi gusto mo naman ng tira-tira ko." She was fuming mad. Inilaan niya ang buhay niya kay Bryce para lang lokohin siya. Wala silang karapatan.

"Aba!" Akmang lalapitan siya ni Geraldine pero pinigilan ito ni Bryce.

"I can call you a slut as much as I like. I can bring you farther down the ladder. Kung sa tingin mo may awa ako. Wala. Hintayin ninyo ang ganti ko." Sabi niya sa mga ito pero wala naman na siyang intensyon pa na gumanti. Hindi niya nature na manakit ng ibang tao. She just wants them to feel the anxiety of waiting for her comeback. Manigas sila sa takot!

Deep inside ay gusto niyang magwala at manira ng lahat ng kaya niyang hawakan pero hindi pupwede. She has to be calm and she has to let it go kasi malaking isyu kung mananakit siya. This has to quietly go away kasi ayaw niyang madamay pa ang pamilya niya o ang pamilya ni Bryce na naging mabait naman sa kanya kahit na papaano. Maybe she is still too young para malaman kung mahal ba siya ng tao for her self o kung mahal siya for her background.

"Love, I can explain." Tinangka siyang lapitan ni Bryce pero umiwas na lang din siya. Wala ng puwang ang lalaking to sa puso niya. Hindi siya iiyak, hindi titigil ang takbo ng mundo niya. Life will go on kahit wala na si Bryce. She will go on kahit na parang sakal na sakal na ang puso niya. She will never show her weakness.

"No need, the wedding is off and since inako naman na ng pamilya mo ang pagbabayad para sa kasal, pakasaya ka sa paghahanap ng bagong pakakasalan mo! Sana di ka patayin ng nanay at tatay mo kasi kung ang goal nila ay ang isang manugang na Dueñas, they will never get one!" And then she walked out the door and out of Bryce's life.

_____________
Author's Note:
Hi guys! Welcome at napadpad ka sa story na ito. It's my third story for my BFF Series. I hope you like it as much as I loved writing each chapter.

I usually update twice a week so check regularly! See you in the next chapters.

Vote and Comment anything you like!

🙋🏻: psychedelic26

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now