6: Name

5K 132 6
                                    


ISANG KATERBANG pagalit ang natanggap niya galing kay Lana. Ang tagal na pala siyang hinahanap ng mga ito. She forgot to check her phone amidst the happening in Haze's house kaya hindi niya nakitang tinatawagan na pala siya nito. Nagkaroon daw kasi ng problema. Wala daw sa mga dala nila yung ibang teaching materials na kailangan. They were hoping na alam niya kung nasaan ang mga iyon pero to their dismay ay hindi niya din alam.

"Ganito na lang, we can start with the other activities tapos babalik na lang akong Manila para kuhain yung mga gamit. Dala niyo na din ba yung livelihood tools?" Nagtinginan ang mga ito. Mukhang pati yon ay naiwan nila sa Manila.

"Mukhang di rin natin dala Ate Addy," sabi ni Alving sa kanya.

"Bakit ang dami nating naiwan?" Tanong ni Lana.

"Yung listahan ko lang kasi Ate Lana ang nacheck ko, yung iba hindi na." Napakamot naman sa ulo si Nate, ang isa pa nilang volunteer.

"Kayo talaga! Wala tayong service kasi nasa Manila na. Madedelay ang activities natin!" Mukhang inis na inis na si Lana.

"Lana, ako na ang bahala dun. I'll be back in two days para hindi na masyadong delayed. Start with what you can, hinga ka!" She smiled.

"Kapag andun ka na, ipacheck mo na din yang mga sugat mo. Saan ka ba naman kasi nagsususuot?" Tanong sa kanya nito.

"Long story," sabi na lang niya.

"Magcocommute ka na lang ba?"

"Hindi, ako bahala." She smiled again and this time kumunot ang noo ni Lana.

"Okay, basta be back in two days ah," she said as if resting her case.

Kinagabihan ay tinawagan niya ang Kuya Dave niya. Ito na lang ang naisip niyang pwede niyang hingan ng pabor since sobrang spoiled din naman siya sa kuya niyang ito,

"Kuya," she said as he picked up the call.

["Oh, bunso. What's up?"]

"Kuya, are you going home tomorrow?" Makikisabay na sana siya since malapit-lapit lang naman ang bayan ng San Martin sa Brgy. Malikman.

["Probably not, madaming kailangang asikasuhin. Malapit na din ang eleksyon."] Oo nga pala! Her Kuya is running again for the third and last time bago ito tumakbong Governor ng probinsya nila. In fairness to him ay dedicated talaga ito sa paglilingkod, he has made San Martin a town worth visiting, with all the beaches and other tourist attractions that he personally visited and helped develop. ["Bakit, may kailangan ka ba?"]

"I need to get back to Manila tomorrow kasi, I was hoping you can fetch me."

["Nako bunso, hindi ako uuwi pero I can get someone to fetch you. Gusto mo ba?"] He asked.

"Yes Kuya, please?" Kailangan niya din talaga makauwi muna kasi kailangan niya nga makuha yung mga supplies nila.

["Sige, just be out early bukas. Text me the directions, alright?"]

"Thanks Kuya! The best ka talaga!" She said.

["Anything for our princess,"] sabi nito bago nagpaalam.

Maaga siyang nagising kinabukasan, parang alas sais pa lang ay ready na siyang umalis. Hindi naman nagtext sa kanya ang Kuya Dave niya kung sino ang susundo sa kanya. Hindi na din kasi siya nakapagsabi sa iba niyang mga Kuya kasi busy ang mga ito sa mga trabaho nila. Ang kuya Dave niya nga lang talaga ang pinakamalapit kaya ito ang tinawagan niya.

"Ate Addy, andyan na po yung mga sundo niyo." Sabi ni Jillian, ang isa sa mga volunteers nila. Nagtaka naman siya sa sinabi nito kasi parang ang dami naman ng susundo sa kanya.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now