21: Redemption

3.7K 108 8
                                    


"KAYA BA NG TITO ni Aidan to?" She asked Celest. Nagtatanghalian sila ngayon sa bahay nito. Ikinuwento niya ang pagkakakita niya kay Bianca, ang supposed dead wife ni Haze. She was shaken to the core dahil sa nadiskubre niya. Bianca is a freelance starting photographer and she has an adorable two tear old kid. "I need to confirm kung siya nga yung Bianca na sinasabi ni Haze."

"Akala ko ba nasaktan ka ni Haze Florencio? Bakit hinahanap mo pa din kung yang Bianca na yan yung Bianca niya? Martyr lang?" Sabi sa kanya ni Celest.

"Hindi kami nagwork ni Haze, may kulang sa kanya. He's broken and a broken girl can't fix him. May nararamdaman man ako para sa kanya sure ako na hindi kami ang para sa isa't isa." She sighed and continued eating.

"Well, that is true. Ayokong mapunta ka nanaman sa lalaking di ka kayang mahalin the way you should be loved." Kapatid na talaga ang turingan nilang magkakaibigan kaya naman they always want the best for each other.

"At tsaka I would want Haze to find love to complete him too kahit na hindi ako yun." Napangiti siya, heartbreak did teach her love at para doon ay masaya siya. Nasaktan man siya at least ang takeaway niya na lang dun ay natuto siyang magmahal ng tama. Not that she's saying that she loves Haze pero it goes in the same alley. You want what is best for the people you care about.

"Tama yan, darating din naman sayo yung pagmamahal na bubuo uli sayo o magpaparealize sayo na okay ka na uli." For some reason she knew what Celest meant. Alam niya kung ano dapat ang maramdaman niya and she's feeling it kaso hindi niya sigurado kaya paano naman yun? Can a heart beat for two persons at the same time?

"So, si Jake?" She asked.

"Anong si Jake?"

"He's the one who's making you doubt your compatibility with Haze." She just looked at Addy. Hindi niya alam kung papaano sasagot dito. "Si Jake nga."

"Huh? Kaibigan ko yun." She shook her head kahit tama naman ito. Jake is making her feel all sorts of emotions na kakaiba. He's making her feel all these emotions na sobrang foreign sa kanya and she does not want to assume. She hates assuming others feelings.

"Okay, sabi mo eh." She smiled and continued eating.

In a way, lahat sila naiinggit kay Celest kasi at such age ay settles na ito sa buhay. She has a loving husband and kids that adore her so much, ayos din ang career nito and all. Pero sa tuwing ibi-bring up yun, ang sasabihin lang niyo ay maswerte siya. Naswertehan niya lang na minahal niya at minahal siya ng lalaking ipinagkasundo sa kanya. Swerte lang siya na masaya siya because if things hadn't gone the same way it did, malamang ay ibang-iba ang buhay niya.

"Alam mo, kaya siguro di ko alam ang nararamdaman ko kasi natatakot pa din akong masaktan uli." She explained. "I'm afraid that nothing will go the right way."

"Fear is always there, sino ba ang walang takot? Kailangan mo nga lang yung taong kahit takot ka ay willing kang sumugal. Kapag nahanap mo yun then leap, take that risk. Kung hindi ka maging masaya at least you took that risk." Ngumiti ito sa kanya.

"Sunshine," pumasok si Aidan sa may dining area ng bahay nila. Nginitian siya nito at binati. "Hi Addy!"

"Hi," she smiled.

"What's up wo de ài?" They're Chinese so the practically talk alien for Addy sometimes pero she's asked about that term kay Celest before at ang ibig sabihin nun ay 'my love'. Ang corny talaga ng dalawang to.

"You texted me that you girls wanted to talk to me." Umupo ito sa tabi ni Celest bago humalik sa pisngi ng asawa. Palagi na lang talagang nakakainggit kapag magkasama tong dalawang to.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now