26: Admissions

3.9K 144 9
                                    


MAY LIMANG ARAW NA mula noong makabalik siya sa Manila pero kahit anino ni Jake ay hindi niya nakikita. Inis na inis din siya kasi hindi man lang ito nagrereply sa kanya o sinasagot man lang ang tawag niya. Is he playing her? Akala niya ba ay gusto siya nito eh bakit parang pinagtataguan siya nito? Nagalit ba siya dahil hindi siya pumayag na huwag na siyang sumama kay Haze? But she wanted to, Haze needed her support at pamilya yun ni Haze na gusto niya din na mabuo uli. Masama ba yun?

"Naloloka na ako Lorie. Hindi niya ako nirereplyan! Kulang na lang ay mag-camping ako sa labas ng unit niya para lang abutan siya." Naiiritang sabi ni Addy. She wanted to try pero parang nakakahiya naman. "Akala ko ba gusto niya ako?"

"Ay, wow. Demanding ka ateng! Baka naman kasi busy sa trabaho. Artista yun no." Sabi naman ni Lorie. Naisip niya na din yun pero artista na din naman siya dati ah. He attended a last minute meet for her dad pero siya di man lang nito madaanan o mapuntahan, kahit nga text o sagutin ang tawag niya di nito magawa.

"Eh bakit di siya mag-reply?" She was so frustrated. May maling-mali ba siyang ginawa?

"Eh, ano bang pinagpuputok ng butsi mo diyan?" She paused then looked at her na parang may bumbilya na umilaw sa ulo nito. She got it. "Gusto mo na din no?"

"Ha? Ano..." she hesitated a bit, aamin na ba siya? "Ano kasi..."

"Oh my! Ang pusong bato tumibok uli! Kaloka ka! Sabi naman sayo eh." Narinig niyang natawa ito sa kabilang linya. "Anong plano mo?"

"Anong plano ko? Wala, aba ligawan niya ako kung gusto niya talaga ako. Kaso nawawala nga yung hinayupak na yun!" Naiinis nanaman siya. Hindi niya alam kung papaano hahanapin ang hinayupak na lalakin yun. Magpaparamdam tapos aalis. Nakakaloka!

"Hay nako ateng, hingang malalim ah. Huwag padalos-dalos, abangan mo muna ah." Suggestion nito.

"Oy, wait. Bye na, parang may tao sa unit niya. Call you later." Hindi na niya hinintay yung pagpapaalam nito at binaba na lang niya ang phone. Si Jake na ba yun?

Kulang ang salitang 'disappointment' para ipaliwanag ang nararamdaman niya nung ang makita niya sa pintuan ni Jake ay si Mike. Dala-dala nito ang malaking duffel bag. Naabutan niya itong nagsasara ng pintuan at mukhang aalis na din.

"Oh, hi Addy!" Bati nito sa kanya.

"Hi Mike!" She tried to smile. "Si Jake?"

"Ah, may shooting sa malapit na mall dito. Bakit?" He asked.

"Ahm, wala lang. Ang tagal ko ng di siya nakikita eh." Sana hindi naman ito makahalata sa kanya. She just really wanna fish out details about Jake. Mababaliw siya sa kakaisip kung saang ilalim ng bato ito nagtatago eh.

"Oo nga no? Huli pa kayong nagkita sa Bicol." Sabi nito. Nagtaka naman siya kasi hindi naman sila nagkita sa Bicol kundi the night before she left.

"Huh? Hindi naman siya nagpuntang Bicol eh. I saw him the night before I left." Paliwanag niya.

"Sumunod siya ng Bicol a day after you left, susundan ka daw. Bumalik naman siya a day later na. Hindi kayo nagkita? He booked a flight eh." How could he be there eh hindi niya naman ito nakita at all. He didn't even text her that time. Saan naman pupunta yun?

"You sure?" She asked again, baka mali lang ang intindi ni Mike.

"Yes, ako ang naghatid sa kanya sa airport eh."

Hiningi na lang niya kay Mike ang details kung nasaan si Jake. She has to know kung bakit hindi siya tinatawagan o tinitext man lang nito. If he was really in Bicol tha time bakit hindi man lang ito nagsabi? She just wore her white v-neck and denim skirt, paired with a pair of sneakers. Hindi na rin siya masyadong nag-bother na ayusin pa ang buhok niya kaya naman itinali na lang niya ito. She was already rushing to get to the mall. Hindi naman daw magtatagal ang shooting na iyon at medyo madami na din daw tao. Malapit lang naman kaya lalakarin na lang niya iyon.

Noong makarating siya ay nagsisimula ng mag-pack up ang mga staff. She felt so disappointed na hindi niya man lang naabutan si Jake doon at nakausap, madami kasi siynag gusto malinaw sa binata. Madami pa ding tao na andoon at mukhang nag-aabang kay Jake na lumabas sa tent nito. Siya naman ay nanlulumong inililibot ang timgin sa paligid.

"Jake!" Sigaw niya bigla noong makita niyang naglalakad ito papalayo mula sa isang tent. Pero mali pala yun kasi halos lahat ng fans na nag-aabang dito ay nagsilapitan at parang nagkaroon ng stampede at napabagsak siya sa sahig.

She felt hopeless. Mukhang hindi niya makikita o makakausap man lang si Jake. Ang petty man ay gusto niyang makita ito kasi ang tagal ng parang kulang ng araw niya. She's starting to fall in love with him and seeing him up close again after a long while ay pinatunayan lalo ng mundo na kahit gaano niya itakwil ang pagtibok ng puso niya ay mangyayari pa din talaga ito. Jake made that happen again.

"Bakit ba ang lampa mo?" Narinig niyang may nagsalita sa tabi niya. It's Jake! She cried suddenly dahil na din sa saya. This was the first time he talked to her for days. Hinubad nito ang suot na jacket bago itinaklob sa ulo niya then he effortlessly picked her up bridal style.

Narinig niya ang collective gasps ng mga tao at ang mga kilig na kilig na tilian ng mga ito. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. All she did was cling on to Jake as if her life depended on it.

"I'm sorry," bulong niya dito. "Dinagsa ka tuloy."

"Bakit ba hindi kita matiis?" Sabi nito as if dismissing her apology.

"Hindi rin naman kita matiis. Namiss kita." Pag-amin niya dito. Bahala na, namiss niya lang naman, ano bang masama dun diba?

Dinala siya nito sa sasakyan at doon iniupo. He knelt in front of her and looked at her. Hindi niya mapigilan ang mabilis na tibok ng puso niya. Just looking at him makes her heart race. Ganito din ba siya dati kay Bryce?

"Masakit ba?" Sabay hawak nito sa tuhod niya. She felt a quick sharp pain at noong nilingon niya ang tuhod niya ay nakita niyang may sugat pala siya dun.

"Hindi naman," she winced nung sumakit uli nung hawakan nito.

"Akala ko ba hindi masakit?" He asked.

"Eh, hinahawakan mo eh. Masakit talaga yun. Di bale gagamutin ko na lang sa bahay," akmang tatayo na siya ng iangat at ipasok ni Jake ang legs niya sa sasakyan at isara ang pinto.

"Tara na, gamutin na natin yan." Sabi nito noong makasakay sa sasakyan. Mabuti na lang at guarded na din ang area kung saan nakapark si Jake kaya naman wala ng fans na nakikigulo.

"Baka maistorbo ka pa." She said. "Ang tagal na kitang hindi nakikita eh."

"Addy, huwag ka na kumontra please."

"Hindi ako sanay na Addy ang tawag mo sa akin. You always call me Red." She sighed, bakit ba naman pati yun ay nasabi pa niya?

"Ganun lang talaga," he said.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang ang down mo?" She asked. Malamang ay pagod lang ito sa trabaho. Being an actor is a really tiring job.

"Bakit ang saya mo?" Mukha na ba siyang masaya ngayon? Malamang ay dahil nakita na niya si Jake.

"Hala, eto naman. I'm just a bit happy masama ba yun?" He said habang naghihintay sila sa isang stoplight sa area.

"Dahil ba sa newfound love mo?" Tanong nito na ikinagulat niya.

"Ko?" Oops, does he know that she likes him?

"I saw you, kissing him in near the pool that night." Itinabi nito ang sasakyan sa isang emergency bay.

"What!?" Sa lahat ng mga pupwede nitong makita ay yun pa. Tapos na sila ni Haze sa issue na yun, wala na sa kanila ang nangyari na yun.

"I'm happy na masaya ka. You can be with the person you like." He said, hinilot nito ang sentido. Paano ba niya sasabihin na hindi naman si Haze ang magpapasaya sa kanya? "You should be really happy now."

"Okay ka lang ba?" She wanted to know kung ano bang rason kung bakit ganito ito? Did he really like her that much?

"No actually, kasi I told you that I will just gather myself and show you that I'm serious about you." He sighed. "Pero sino nga ba naman ako para hintayin mo?"

"Ikaw si Jake na di marunong magtanong at madami-dami kang dapat malaman." She smiled. "Simulan na natin sa gusto kita."

_______________
🙋🏻: psychedelic26

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now