12: Care

4.5K 131 14
                                    


BAGO PA SILA nakalabas sa secluded na hallway na iyon ay may mga humarang na sa kanilang mga lalaki para hindi na sila mapansin ng mga paparazzis na nakaabang pa din sa main lobby ng hotel. Maybe these are Jake's bodyguards kapag my events ito. Hindi rin alam ni Addy kung bakit tumigil na siyang kumawala sa hawak ni Jake sa kamay niya. Wala naman kasing malisya kaya bakit siya mag-aassume diba? He's an actor. He can do anything he can and still have no underlying feelings about it.

"Addy!" Sinalubong siya ni Celest at Lorie noong makapasok sila sa function hall. "Nasaan na ang Bryce na yun? Sana nagpatawag na si Aidan ng pulis."

"I'm fine," she smiled. "Huwag ka ng mag-alala, this is your birthday kaya smile!"

"How can I smile eh kita mo nga sinaktan ka ni Bryce!" Lumingon ito sa kamay niya only to settle with her hand na hawak pa din ni Jake. "Oh!"

"Oy!" Pilit niyang hinila yung kamay niya mula kay Jake and she finally succeeded. "Yang mga utak niyo!"

"Bakit ano ba ang iniisip namin?" Natatawang tanong ni Lorie sa kanya.

"Stop it," nilingon niya si Jake. "Ikaw kasi eh! Ang kulit mo."

"Hala, bakit ako? What did I do?" He smiled.

"Kilala mo pala si Jake Francisco?" Sabi ni Lorie.

"Kapitbahay ko sa condo," sabi niya sa kaibigan. "Sabi ni Aidan ay iinvite ko siya."

"Oo, tama lang." Ngumiti si Celest. "Mabuti na lang at nakita ka ni Aidan kanina. What would've happened if Bryce really hit you?"

"Oo nga eh, good timing." She sighed. Masyado ng maraming nalalaman si Jake tungkol sa kanya. Her life is starting to unravel before him.

"Ipakilala mo naman sila Red," bulong ni Jake sa kanya.

"Oh shoot, yes." Tapos lumingon uli sa mga kaibigan niyang todo ngiti na sa kanya ngayon. "This is Lorie and this is Celest, the birthday girl."

"Nice meeting you," inilahad ni Jake ang kamay nito sa dalawa na masaya naman tinanggap ng mga ito. "Happy birthday din pala."

"Thank you," ngumiti si Celest. "Kumain na muna kayo and get that wrist of yours checked uli sa ospital."

"Bakit pa eh maganda naman yung facilities ng clinic ninyo. I will be fine."

"Pasaway ka talaga," naiiling na sabi ni Lorie. "Ipakilala mo siya kina Kara mamaya ah. See you!"

Umalis na si Celest at Lorie kaya naman mas nakahinga na siya ng maluwag. At least wala na yung mag-iinterrogate sa kanya. Hindi niya naman kasi alam kung bakit inaya pa nga niya dito ang lalaki. He looks like her date.

"Sino si Bryce?" Tanong bigla ni Jake sa kanya habang kumukuha sila ng pagkain. Ito ang may hawak ng mga plato nila at siya naman ang naglalagay ng pagkain doon. People have been ogling at him at may iba ng nagpapicture dito.

"My ex," she smiled. He is nothing more than that. Yun na lang si Bryce sa kanya, an ex na hindi na niya dapat pang alalahanin.

"And he hurt you?"

"He has a terrible temper, okay naman na. Aidan helped me out." Sabi niya dito. "Gusto mo ba ng fish?"

"Tama sila, dapat pinakulong mo siya." Halata ang inis sa mukha nito.

"Chill ka lang." She smiled. "He has a kid at wala naman masamang nangyari sa akin so I'm good. I will not stoop to his level."

Bryce is nothing to her and she will not invest time or space in her life for him. He has taken so much from her na hindi na niya hahayaan na may makuha pa ito. She lost her old life because of shame for what he did. She lost her heart and she lost her want to love. Nawala ang tiwala niya na may magmamahal sa kanya ng walang condition, ng walang hinahanap na kapalit. He has made her so doubtful of every single thing.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now