11: Party

4.4K 139 6
                                    

Maaga siyang gumising ngayon kasi mag-aayos pa siya para sa party ni Celest, she'll be turning 25 and her family threw for her a big bash. Kailangan bongga para sa nag-iisang prinsesa ng mga Sycangco-Lim at ang reyna ng buhay ni Aidan. Hindi na siya pinabalik muna ng mga magulang niya at mga kapatid sa condo kasi gusto daw ng mga ito na makasama siya ng buong weekend to which she obliged kasi miss na din niya talaga ang mga ito. Minsan lang sila kumpleto.

"You look lovely anak," sabi ng nanay niya sa kanya. "Maybe it's time you really come home para makabalik ka na sa dati mong mundo."

Hindi niya alam kung gusto ba talaga niya yun. Masaya siya na tahimik lang ang buhay niya at hindi niya kailangan na magpanggap sa harap ng iba. She can never be her real self with people watching her spevery single move.

"I'm not yet ready Mama, sorry po-"

"It's okay anak, ang mahalaga lang sa aming lahat ay ang maging masaya ka." Ngumiti ito at niyakap siya. "And hopefully see you fall in love again."

"It'll take a lot more Mama to convince me about love again. Mahirap pong magtiwala." She smiled.

"The right guy will come along. Promise." Sabi nito bago siya muling ihinarap sa salamin. "This dress suits you."

Noong makatapos siyang mag-ayos ay nagpahatid na siya sa driver niya sa Celestia. Dahil doon gaganapin ang birthday ni Celest. She half begged na wala ng bodyguards na sumunod sa kanya kasi sigurado naman siya sa security ng hotel mismo. They ended up with a compromise na ang mga bodyguards ay susunod lang sa kanya hanggang maihatid siya. Yun nga ang nangyari at pinauwi na lang muna din niya ang driver niya kasi mahaba ang paghihintay nito kung doon pa ito maghihintay sa kanya.

It is a bright and happy party. Nandoon ang halos lahat ng mga kaibigan nila maliban na lang kay Mati na nag-aaral sa ibang bansa, kay Roni na may modelling gig daw sa Milan kaya hindi makakarating at si Didi na susubukan daw humabol kasi may prior job engagement daw ito. It was like a mini reunion and she feels happy being with friends again.

Lumabas siya ng function hall para tumawag kay Lana dahil may ibinilin itong mga dadalhin pabalik sa Benguet.

"Look who we have here," bigla siyang napabaling sa likuran niya dahil sa boses na yun. It was too familiar kaya hindi na niya ikinagulat na makita niya si Bryce. "Nakabalik na pala ang prinsesa."

"Bryce,"

"You look different," hinahod nito ng tingin ang kabuuan niya.

"Anong kailangan mo sa akin?" She asked.

"Wala naman, nakita lang kita at namukhaan kaya I decide to say hi." Sabi nito with a hint of sarcasm. "I want to say hi to the girl who ruined my life."

"Wala akong ginawa, ikaw ang gumawa niyan." Karma na ang gumalaw at hindi siya. Ayaw niyang bumaba sa level nito at ng pamilya nito.

"Sinungaling," medyo malakas na sabi nito. He looked different too. Sobrang stress ang nakaukit sa mukha nito that's why he looks older. "Ikaw ang dahilan ng pagbagsak ng pamilya ko. Ikaw at ang pamilya mo."

"Karma mo yan. Wala akong kinalaman diyan."

"Ikaw-" sabi ni Bryce bago akmang sasampalin siya. She was anticipating his hand to her face pero walang lumapat sa pisngi niya ang when she opened her eyes ay hawak na ni Aidan ang pulsuhan ni Bryce. Gusto niyang maiyak. Buti na lang ay nandoon si Aidan to help her out. Ngayon niya lang naiisip na mali nga na hindi diya nagpasama sa kahit isang bodyguard.

"You don't hit a girl, hindi ba iyon itinuro sayo Mr. Ragadio?" Tanong ni Aidan dito.

"Mr. Cojuangco," binawi nito ang kamay mula sa pagkakahawak ni Aidan.

His Saving Grace | ✅Where stories live. Discover now