Paalam

170K 1.4K 174
                                    

 Umpisahan natin sa salitang "paalam"
Paalam.
Paalam sa mga biro nating hindi naman nakakatawa.
Paalam sa mga minsang kamustahan,na ako lang naman ang nangangamusta.
Paalam sa mga bagay-bagay na ginawa natin kahit kailan ay hinding hindi na mauulit pa.
Naalala ko noon nang nakita kita
nakita kitang nagiisa
Magisang nasa ilalim ng puno at nagduduyan.
Naalala ko ang una nating paguusap.
na kahit kailan ay di na muling magaganap.
mga patago nating sulyapan
na kahit kailan ay di na mauulit pa.
Naalala ko rin pala noong sinabi mong may pagtingin karin saakin.
Lihim kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko sa mahigpit kong paghawak sa dalawang kamay ko.
Naniwala ako.
naniwala ako sa mga sinabi mong mahal mo ako.
na ako'y para sayo at walang magbabago.
naniwala ako.
Naniwala ako sa tadhana.
sa tadhanang pinagtagpo tayo sa maling panahon.
maling panahon na pinipilit nating maging tama para saatin.
Naniwala ako sa tadhana.
kaya heto ako ngayon nag-iisa.
Iniisip ang ating mga ala-ala.
Paalam sa mga ala-alang hindi na mauulit pa.
ala-alang nakatatak sa isip ko at nakatarak sa puso kong iniwan mong nagdurugo.
Salamat dahil nandyan ka sa tuwing kailangan kita.
sa tuwing kailangan ko ng panyo at ikaw ang dumadating sa tabi ko.
Salamat sa pagbig na pinadama mo.
na sana ay hindi na lang dahil nasasaktan na ako.
Salamat sa lahat ng ala-ala.
Pero nagdurugo na ako.
Nagdurugo na ang puso ko.
Hindi ko na kaya pang makipaglaro sa tadhana na lagi naman akong talo.
Hindi ko na kaya pang magpanggap sa lahat ng taong nakikita ko.
Kaya't heto.
Heto ako ngayon sa harap ng kaklase at kaibigan mo.
sinasabi ang nararamdaman ko para sayo.
Heto ako sa harapan mo.
Nagtatapat ng pag-ibig na inalay ko lamang para sayo.
Pasensya na kung sa ganitong paraan ko nasabi dahil nahihiya ako.
Hindi ako nandito para sumbatan .
ka.
nandito ako para magpasalamat.
nandito ako para magpaalam.
Kaya't mahal,paalam na.
pinapalaya na kita. 

************

NOTE: Ang storya ng tulang ito ay ang "Liham para Sayo".

Maraming Salamat.

Lovelots,

Pinky Lassy

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now