Huling Tula

6.5K 109 5
                                    

This was the poem that he wrote for me. The day after my birthday. Yun na din ang last naming paguusap :(

nakita ko lang sya sa may cabinet habang naghahalungkat ako kanina. Kaya nilagay ko na din.

So yun Skl lang. HAHAHAHA.

Hope you enjoy :) !
*************

"Mahal Kita"
Yan ang salitang babanggitin pag muli kitang nakita.
Alam kong hindi mo na ako paniniwalaan pa.
Kung sakaling tayo'y magkita.

Ngayong sumapit ang iyong kaarawan.
Nais sana kitang mabati upang ika'y matuwa naman.
Hindi ko alam na ako ang magiging dahilan.
Upang umiyak ka ng lubusan.

Hindi ko sinasadyang saktan ka.
Sadyang hindi pa ito ang panahon nating dalawa.
Alam kong para tayo sa isa't isa.
Dahil matagal ko nang tinatagong mahal din kita.

Wag ka sanang umiyak ngayong iyong kaarawan.
Ayaw kong nasasaktan ka ng lubusan.
Kung ang tanging gamot ay ang ako'y makalimutan,
Mahal,pakiusap.
Sana ako'y iyong limutin para hindi ka na masaktan.

Kung akala mong di kita minahal, sinta.
Gusto kong malaman mong nagkakamali ka.
Ikaw lang ang ranging babae sa pusong ito.
Hanggang sa panahong pwede nang maging tayo.

Tandaan mong itinadhana tayo para sa isa't isa.
Pero hindi pa ito ang panahon para sa ating dalawa.

Mahal kita,
Mahal ko.
Yan ang paulit ulit kong sasabihin pag nagkita muli tayo.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now