Lihim na Pagtingin

52.7K 628 64
                                    

Hayaan mong sabihin ko,
Sa harap ng maraming tao.
Kung ano ang totoong nararamdaman ko.
Binabalewala at pilit na itinatago.

Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan,
Dahil sa umpisa Palang, humantong na tayo sa katapusan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin,
At kung ano rin ang dapat gawin.

Mahal,
Gusto kong magumpisa muli.
Kung saan, ang una nating paguusap ay ang ating mga patagong sulyapan.
Pati narin ang ating titigan
At ang walang humpay na asaran.

Gusto kong magumpisa muli,
Sa mga panahon kung saan,Hindi mo pa ako nilalayuan.
Sa mga panahon na tanging ang pagkakaibigan, ang syang turingan.

Gusto kong ibalik ang lahat.
Dahil kahit ano ang gawin ko, lahat ng memorya na magkasama tayo ay hindi ko maialis sa isipan ko.
Para kang isang bangungot na ginagambala ang buhay ko, ang mundo ko.
Ang mundo kong umikot lang sayo.

Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang nakaraan.
Dahil kahit ano ang gawin ko, ang tadhana ay pilit tayong pinaglalaruan.
Na sa tuwing magkikita tayo,
Ang mundo ko'y parang nagugunaw.
GUSTO KO NANG SUMIGAW!

Ayoko na, tama na, pwede ba?
Isang kaibigan lang naman ang Turing mo sa isang tulad ko.

Na kahit anong gawin ay dapat na tanggapin ko,
Dahil Hindi ko na kaya pang makipaglaro sa tadhana na lagi naman tayong pinaglalayo.

Tanggap ko na.
Tanggap ko nang hanggang kaibigan lang talaga.
Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko,
Dahil Masakit lang isipin na hindi pwedeng maging tayo

Pero kahit ganoon,
Hindi ako magsasawang paalahanan ka.
Na kapag pinagsakluban ka na ng langit at lupa.
Nandito lang ako, handang  makinig sayo, handang handa akong sumalo.

Patawad kung naglihim ako,
Naglihim akong, wala akong pagtingin sayo.
Ngunit  katulad nga ng sinabi ko, tanggap ko nang kaibigan mo lang ako.
Pero nandito lang ako,maghihintay lamang sayo.

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon