Active Now

3K 54 5
                                    

Pagbukas ng Facebook.

Ikaw agad ang hahanapin ng mata ko.
Ikaw na makikita kong online sa listahan ng kaibigan ko.
Pero hindi ko na nakakausap ang tulad mo.

Noon.
Hanggang hatinggabi magkachat tayo.
Paguusapan natin yung masasayang bagay sa araw mo at sa araw ko.
Pero hindi mo makakalimutan sabihin ang "matulog ka na bestfriend ko".
Aantayin mo pa akong maglog out bago mo ilog out yung sayo.

Ngayon.
Parang nasanay ka na na hindi ako kausap.
Habang inaantay ka ng mga mata kong hindi na kumukurap.
Habang nakatingin sa screen ng telepono pasimpleng susulyap.
Pangalan mo kaagad ang syang hinahanap.

Siguro nga nagsawa ka ng makausap ako.
Baka dati'y nagpapanggap ka na lang masaya ka pa kahit hindi na ito totoo.
Pero sana nagiwan ka man langng mensahe na hindi mo na papansinin ang isang tulad ko.
Para hindi ako maghihintay na ichachat mo pa ako.

Hugot Spoken Word PoetryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora