Two Timer

5.8K 88 3
                                    

Alam mo bang meron akong nabalitaan?
Sinabi ng isa sa iyong mga kaibigan.
Meron ka daw babaeng sinasamahan.
At ito nama'y iyong napupusuan.

Hindi naman ako tanga.
Pero mahal, ang sakit sakit na.
Ang sakit sakit na,
pero heto ako minamahal parin kita.

Hindi ko alam kung anong pinapairal ko.
Kung katangahan ba ng puso.
O yung utak kong iniisip padin ang pangalan mo.
O yung mundo kong huminto sa pagikot ng dahil sayo.

Sayo.
Sayo ko unang natutunan kung paano magmahal ng todo.
Sayo ko natagpuan ang pagmamahal na hinahanap ko.
Pero sayo ko din naranasan ang masaktan dahil sa pagibig na pinadama mo.

Ginawa ko naman ang lahat pero bakit kulang pa?
Minahal naman kita pero bakit nagmahal ka ng iba?

Mahal ka nya.
Mahal kita.
Sinong pipiliin mo sa aming dalawa?

Bakit ba pilit nyong pinapaasa ang tao sa wala.
Bakit ba kailangan nyong magmahal ng dalawa?
Bakit kailangan nyong sabihing "mahal kita."
Kahit ang totoo'y di naman talaga?

Bakit kailangan dalawa?
Kung mahal ka naman talaga ng isa?
May mali ba akong nagawa?
Kulang pa ba?

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now