sa muling pagkikita

46.9K 541 82
                                    

Sa araw na makita mo akong muli.
Pakiusap,
Dumistansya ka ng kahit kaunti.
Dahil baka,hindi ko na naman kayanin
Ang mapaglarong tadhanang nakapalibot saatin.

Wala kang sasabihin,
Wala kang gagawin.
Dyan ka lang tumayo,
Tatlong metro ang layo saakin.

Sa araw na magkita tayong muli.
Wag mo akong sisisihin kung bakit ayaw kitang pansinin.
Kung bakit kita laging babalewalain.
Dahil hindi ko naman gagawin iyon kung hindi sya ang ipinalit mo saakin.

Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung bakit ito ang reaksyon na aking nadarama.
Ang alam ko lang ay ang hindi kita kaya pang makita kasama nya.

Kung tutuusin, hindi naman talaga ako magagalit.
Pero bakit?
Bakit sa dirami rami ng babae sa mundo ay sya pa?
Bakit ang kaibigan ko pa?

Hindi pa ba sapat?
Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na aking pinadama?
Na kahit anong gawin ko ay kulang pa.
Bakit sya?
Bakit ang pinakamalapit na kaibigan ko pa?

Pero kahit ganon pa man,
Hindi kita susumbatan.
Alam kong masaya ka na.
Masayang kapiling sya.

Masakit man,
Pero tanggap ko na.
Na hindi talaga.

Hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Hugot Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon