Una't Huli

9K 103 11
                                    

Ikaw at ako.
Pano ibalik ang dating tayo?

Paano  malilimutan ang isang tao,
Na nagbigay ng madaming ala ala sa buhay mo?

Mahal.
Pagbigyan mo sana ang kahilingan.
Kahit isang segundo man.
Ang makita ka ay ang puso'y kasiyahan.
Kahit hindi ka na malapitan.

Masaya akong nakilala kita.
Masaya akong nagkita tayong dalawa.
Masaya na ako sa pagmamalasakit na iyong ipinadama.
Masaya ako kahit ako'y umasa.

Alam kong sya ang mahal mo.
Kaya't handa na ako na ipaubaya ang isang tulad mo.
Wag mong kalimutan ang pagibig ko.
Na inalay ko lamang para sayo.

Tutuparin ko.
Tutuparin ko ang aking pangako.
Na magiging masaya ako.
Kahit wala ka na sa piling ko.

Hindi man tayo itinadhana.
Na magkatuluyan tayong dalawa.
Nais kong malaman mo.

Na ikaw ang una at huling iibigin ko.

Hugot Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now